01

151 86 37
                                    

Throwback

"Babe nakapasa ako!" sinalubong ko ng yakap si Sophia. Binuhat ko siya paikot, walang pake kung pagtinginan kami ng ibang mga estudyante.

"Babe nakakahiya ano ba, ibaba mo ako," bulong niya sa akin kaya binaba ko siya. "Congrats! ang galing talaga ng boyfriend ko," Nakangiti siya pero halatang pilit lang iyon.

Imbis na ngumiti ako pabalik ay sumeryoso ang mukha ko, "Babe may problema ba? Nakapasa ako oh. Diba sabi mo pag nakapasa ako, payag ka na sa plano ko,"

Mas lalong lumungkot ang mukha niya at kinagat ang pang ibabang labi. Kumunot ang noo ko dahil sa mga kinikilos niya, bumibilis ang kabog ng puso ko.

"Babe naman, kinakabahan ako sayo e. Ano bang problema?" Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya para humarap siya ng diretso sa akin. Alam ko sa tuwing ganito ang mga kinikilos niya ay may malaki siyang problema.

Ini-angat niya ang tingin sa'kin, "Yeshua, b-buntis ako," pagkasabi niya noon ay tumulo na ang mga luha sa mata niya at hinawakan ang kaniyang tiyan.

Sinundan ko ng tingin ang kamay niya at natulala doon, hindi ko pa ma-process sa utak ko ang sinabi niya. Buntis siya, ibig sabihin magiging tatay na ako? Magkakaanak na kami.

"I'm sorry," sabi niya sabay talikod sa akin pero bago pa siya makalayo ay hinila ko ang isang braso niya palapit sa 'kin.

"Saan ka pupunta?" pinalupot ko ang dalawa kong braso sa kaniya para hindi siya makaalis. "Kailan pa?" tanong ko sa kaniya.

"Fo-four weeks," maikli niyang sagot habang umiiyak pa rin.

Pinunasan ko ang mga luhang bumabagsak sa kaniyang mga mata, " Shh tahan na, baka makasama pa sa bata," pero mas lalo lang siyang humagulgol.

Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante kaya dinala ko si Sophia sa kaunti lang ang mga tao. Inaalalayan ko siya sa bawat paglakad niya dahil nakatatak na sa isip ko ang baby sa loob ng tiyan niya.

Pumunta kami sa lugar ng school kung saan kami madalas tumambay. Pagkaupo ni Phia ay hinarap niya agad ako, "Paano na 'yong sa college mo? 'Yong pagaaral natin? G-gusto mo ipalaglag ko na lang?" muli niyang kinagat ang kaniyang labi, nakita kong humigpit ang hawak niya sa damit. Halata sa mukha niya ang takot at kaba.

"Phia hindi ka magpapalaglag," mabilis na tanggi ko. "Anak ko yan, anak nating dalawa hindi ka ba naaawa?" napasuklay ako sa buhok, "Pagsasabayin ko ang pagaaral at pagiging tatay hanggat kaya ko,"



"SOPHIA!" bumangon ako sa pagkakahiga. Bigla akong nakaramdam ng matinding sakit sa katawan, para akong sinagasaan ng truck.

May lumapit sa aking isang matandang babae, "Ijo ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong niya sa akin.

Nilibot ko ang tingin ko sa kwarto. Bakit nasa hospital ako? Inalala ko ang mga nangyari bago ako mapunta dito pero wala akong maalala. "Si Phia," agad ang pumasok sa isip ko. Tumayo ako sa kama para hanapin siya pero nang makita ko ang reflection ko sa salamin ay "AHHH!" sigaw ko at tinuro ang sarili. Bakit bumata ang mukha ko?! "Anong nangyari? Bakit-" Bumalik ako sa pagiging binata...

Lumapit ako sa salamin at hinawakan ang mukha ko, sinubukan kong pisilin, hilahin at sampalin kung totoo ba ang nakikita ko, "Aray!" pero nasaktan lang ako sa mga pinaggagawa ko.

"Normal lang ba iyan sa mga pasyenteng bagong gising?" rinig kong tanong ng matanda sa nurse.

Pinalabas na ako ng hospital dahil okay na raw ako, hindi ko alam kung sino nagbayad ng bill ko pero kung sino man siya ay hulog siya ng langit.

Hindi ako makakauwi nito sa bahay dahil hindi nila pwede makita na ganito ang itsura ko, kaya sa bahay ni Xian muna ulit ako tutuloy.

Buti na lang alam ay ko password ng bahay niya kaya makakapasok ako sa loob kahit wala siya.

Walang tao sa sala kaya dumiretso na ako sa banyo para maligo dahil galing akong hospital.

Habang nag s-shower ako ay biglang bumukas ang pinto, "AHH BASTOS!" tinakpan ko agad ang private part ko gamit ang kamay.

Nanlaki ang mata ko nang makitang may hawak-hawak na Tai Chi sword si Xian. Isang klase ng chinese sword na lagi kong nakikita na naka display sa kwarto niya.

"Sino kang kupal ka?! Paano ka nakapasok dito?!" sigaw niya.

"Dumaan ako sa pinto malamang," Sinugod niya ako ng hawak niya pero buti na lang ay nakaiwas ako. "Hoy pre! easyhan mo lang. Ako 'to si Yeshua kaibigan mo," Kinuha ko ang tuwalyang nakasabit sa gilid ng pinto at saka tinakip sa bewang ko.

"Ako pa lolokohin mo, bakit kilala mo kaibigan ko!?" mas nilapit niya ang sword sa mukha ko na dahilan ng pag atras ko. Umisip ako ng paraan kung paano ko siya mapapaniwala na ako nga talaga si Yeshua. Lintik kasi na, paano ba ako bumalik sa pagkabinata?!

Biglang pumasok sa isip ko ang sikreto na kaming dalawa lang ang nakakaalam, "Si Jeyel! Anak mo si Jeyel!" kumunot ang noo niya at dahan dahang binaba ang hawak na espada.

Lumapit siya sa akin, "Bakit mo alam iyon?" mahinang tanong niya.

"E kasi nga ako si Yeshua! Kahit mamatay pa lahat ng patay hindi ako nagsisinungaling!" desperadong paliwanag ko.

Nakapag bihis na ako at nakapag ayos, naka upo kami ni Xian sa sala ngayon at tinititigan lang ang isa't isa. Kanina pa niya ako tinitignan mula ulo hanggang paa, sinusuri ata nito bawat parte ng katawan ko.

"Paanong-?! Bakit naging bata ka ulit?" halata sa boses at mukha niya ang pagkanis. "Sabi mo galing ka sa hospital, pero bago ka mapunta doon ano muna nangyari sayo?" turo niya mukha ko.

Pinag krus ko ang dalawang binti ko at saka umakto na parang nag iisip. Inaalala ko lahat ng nangyari pero wala talaga akong matandaan.

"Alam ko na!" itinaas ko ang isang daliri ko na parang may naalalang pangyayari. Lumapit siya agad sa akin, inaabangan ang sasabihin ko, "Joke lang pre, hindi ko talaga matandaan," bawi ko kaya binatukan niya ako ng malakas.

"Loko! Paano ka ngayon makikilala ng pamilya mo niyan?" Tinignan niya ako na may halong pag aalala. Kinuha niya ang pint glass sa coffee table at sinalinan ng beer saka binigay sa akin.

*ding-dong*

Sabay kaming napatingin sa isa't isa, "Ako na," sabi niya saka tumayo para tignan kung sino ang tao sa labas.

"Mr. Sevilla?"

Pagkasilip ni Xian sa peep hole ng pinto ay bumaling agad sa 'kiin ang tingin niya, "Loko pre mag tago ka!" sigaw niya sa akin kaya nilapag ko agad ang hawak kong beer sa coffee table at nagtago sa likod ng sofa.

"Good evening Mr. Sevilla,"

"Airezelle napadaan ka, a-anong kailangan mo?" rinig kong tanong ni Xian sa anak ko.

Living in the PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon