08

81 46 26
                                    

Play the music for throwback only.

Throwback

"Nandito lang ako kahit anong mangyari, nasa tabi mo lang ako," hinawakan ko ang kamay ni Sophia bago siya ipasok sa Operating Room.

Naluluha na ang mga mata niya, "I love you," bulong niya sa hangin. Sinarado na ng nurse ang pinto kaya bumalik na ako sa room kung saan siya naka confined.

Hinanap ko agad sa cabinet ang book na sinabi sa akin ni Sophia bago siya manganak. Nang mahanap ko ito ay may nakita akong nakaipit na envelope sa loob, umupo ako sa couch para basahin ang letter.

Babe,
Natatakot ako ngayon dahil hindi ko alam kung ano ang mangayayari, pero I hope you're happy as I am that our twin is on the way. Thank you dahil lagi kang nasa tabi ko, for being my biggest support. Ikaw ang naging lakas ko sa tuwing napanghihinaan ako at gusto nang sumuko. Ang dami natin naging problema dahil alam kong bata pa tayo para dito but you didn't give up. As I go through this experience with you, for sure our kids will be very lucky to have you as their papa, I love you!

Napasapo ako sa mukha matapos basahin ang letter, patuloy lang sa pagbagsak ang mga luha galing sa mata ko. Tumingala ako at pinunasan ang mga luha sa mukha. Basa na ang papel na hawak ko dahil sa patak ng luha habang binabasa ko ang nakasulat.

Nagpapahinga na si Sophia dahil kakatapos lang ng operation, bago siya makatulog ay binigay sa kaniya ang kambal para mahawakan niya.

May biglang pumasok sa kwarto. Hindi ko inaasahang darating ang mama ni Sophia, may dala-dalang basket na puno ng prutas.

"Ang ga-gwapo ng mga apo ko," nakangiting sabi ni mama habang nakatingin sa anak namin ni Sophia. Walang pasabing tumulo ang isang luha sa mata ko nang marinig ang sinabi niya. Ang sabi ni mama noon ay hindi niya matatanggap ang mga apo niya.

Throwback of throwback

"Simula ngayon wala na akong anak! Wala akong pinalaking ireponsable Sophia!" napahawak si mama sa dibdib niya dahil sa sobrang galit. Hinahabol ang kaniyang hininga.

"Ma," umiiyak na sabi ni Sophia. Humakbang siya palapit para alalayan si mama.

Hinarang ni mama ang kamay niya sa harap ni Sophia para hindi siya makalapit, "'Wag mo akong hawakan, kahit kailan ay hindi ko matatanggap na nagkaapo ako sa'yo,"

End.

Napansin ko na lang na umiiyak na rin si mama, "Alagaan mo ang mga apo ko, lalo na ang anak ko. Kung mayroon kayong kailngan ay sabihin niyo lang sa akin, ibibigay ko ang lahat para sa apo at sa anak ko," tinapik ni mama ang balikat ko.





WALA pa ring teacher kaya maingay sa classroom. Natutulog si Snow sa tabi ko samantalang si Dane naman ay gumagawa ng assignment na nakalimutan niya raw gawin sa bahay. Hinila ko ang upuan ko at nilagay sa tabi ni Cairo. Nakadukdok na naman siya at walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid. Kinalabit ko ang likod niya, "Tara laro," aya ko, pero wala siyang imik at hindi ako pinansin.

"Paging Ms. Airezelle Razon!"

"Woaahh," lahat ng nasa room ay nag react nang biglang dumating si Jeyel kasama ang mga tropa niya.

Living in the PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon