France's POV
It's been what? One week? Yeah..
It's been a week already na nagkikita kami ni Paris tuwing hating gabi. Hindi ko rin alam kung bakit nakikipagkita din ako sa kanya.
I didn't even asked him to to that. He just did.
Most of the time, habang magkasama kami, he just made fun of me. Namimikon parati. Hai. Super kulit.
Hindi ko noon una malaman kung paano at updated siya sa akin. Hindi ko naman kasi siya tinetext. Nakakainis kasi siya.
Nalaman ko na lang one night nang pumunta siya noong nagkasakit ako, pinakealaman niya pala ang laptop ko.
Walang hiya lang di ba?
Eh naka-auto log in na yung fb at twitter ko. Aba ang mokong in-add yung sarili gamit yung account ko. Pati narin sa twitter.
Nagalit talaga ako sa kanya dahil ginulo niya ang privacy ko. Pero tinawanan niya lamang ako.
I even unfriend him and blocked him, but to my surprise and outrageous dismay, binantaan niya ako that he'll upload the photo na nakapout ako.
Ako naman sana tatawa sa kanya dahil noong hiniram ko ang phone niya one time para sana maglaro ng zombie tsunami, hindi niya alam na hinanap ko yung picture ko at saka binura iyon. Haha.
Pero sa kanya parin pala ang huling halakhak, coz he already saw it coming, so he had made a copy of it sa laptop niya.
Noong una nagmatigas ako, pero laking gulat ko nang ipakita niya sa akin ang video kung saan natutulog ako at nag-iingay ang sikmura ko!! Binantaan niya ako that he will upload it if I will not unblock and friend him.
Gago lang no? Binlockmail ba ako. Wala naman akong choice kaya sa huli nakuha niya gusto niya.
Every night ganun kami. Nag-uusap lang. Nang-aasaran. Minsan may starbucks pa ako.
I know, I must be really really out of my sanity dahil kahit galit ako sa kanya, inis na inis at kumukulo dugo ko, yet nag-eenjoy ako sa company niya.
For one week, ganoon ang set up namin, kung gabi.
Kung umaga naman, hindi na kami masyadong nag-uusap. Nagsasama kami sa grupo, pero hindi nagkikibuan masyado. Minsan may asaran pa naman, pero hanggang tinginan lang kami lagi.
Ewan ko ba kung bakit ganun iyon. Nakakalito nga eh.
From: HALIMAW TO
Still up?
Text niya. It's 11 in the evening. Tulog na rin sina mama. Mga early people kasi sila eh.
-Yeah
From: HALIMAW TO
M here outside
Simula nung pinuna niya ang pj's ko ay hindi na ako lumalabas nang nakaganun. Just this plain white loose shirt at saka leggings.
Kinuha ko lang ang phone ko at saka maingat na lumabas ng bahay.
Nakasandal siya sa kotse niya na itim na convertible. Nakacoat siya na kulay red with hoody. A good-boy look against his bad-ass car? Cool..
Shit. Ba't gumagwapo siya sa paningin ko habang tumatagal?
I mentally slapped my face. Sinabi ko ba na gwapo siya?
Nagsmirk siya nang magtama ang aming mga mata. I just rolled my eyes at him.
"Oh, ano naman ngayun?" tanong ko.