Paris's POV
"Paris okay na ba ang bago mong kakantahin bukas sa gig?"
Kasalukuyan akong nagdadrive pabalik ng university. Katatapos lang naming kumain ng lunch sa restaurant ng mommy ni France.
Matapos ko ihatid sina Honey sa restaurant na pagkakainan nila, agad din naman akong umalis para puntahan sina Art at Miggy.
Disappointed masyado si Honey. Akala niya kasi sasama ako sa kanya maglalunch.
Ewan ko ba, maganda naman siya eh at sexy pero hindi ko talaga magawang makipagdate sa kanya.
Oo nga't medyo crush ko siya noong freshmen years pa. Hahaha. But to my surprise, siya pala crush na crush na ako noon pa. Tss. Gwapo ko talaga.
Anyways, sa kasamaang palad, sumama nga talaga sila sa kuring na iyon.
Alam ko namang si Eve yung main reason ni Miggy para sumama. Si Art naman, ewan ko ba't naisip niyang sumama kay France.
Pagkarating ko naman doon sa Kimchii's, gulat din nga naman ako na pagmamay-ari pala iyon ni France.
First time ko doon kumain. In fairness, masarap ang pagkain nila. Nabusog nga ako ng sobra. Mukhang mapapadalas din ako doon.
"Oo naman. Hindi ka ata bilib sa akin ah." sagot ko kay Miggy.
"Busog talaga ako. Gusto ko'ng matulog mga pre.. idlip muna ako dito." si Art naman.
"Hahaha. Lalaki tiyan mo niyan Arturo! hahaha!"
"Eto? lalaki?" saka pinataas ni Art ang kanyang shirt at pinakita ang abs niya.
I rolled my eyes. Abs ba yun?
"Gago! yabang mo Art ah! Hahaha! wala yan sa Abs ko no." pagmamayabang naman ni Miggy.
"Hahaha. By the way, I have an idea.Total nilibre tayo ni France ng masaraaaaaap na lunch, why don't we invite her to come with us sa club bukas?"
Napatitig ako saglit kay Art sa sinabi niya.
" Oo nga! pero sigurado ako aayaw yun." sabat naman ni Miggy. " Isama na rin si Eve para pumayag." dugtong pa niya.
Si Eve na naman. Ano pa nga ba?
"Right. So, what do you think Paris?"
Nakatingin silang dalawa sa akin. Naghihintay ng sagot ko.
"Whatever you want guys."
Ano naman kung yayain nila si France. I don't even care. Hindi naman niya maapektuhan yung performance ko.
"Okay! Hahaha. Ako na lang magsasabi Art."
" Sure Miggy. Siguraduhin mo na papayag siya. " sabi naman ni Art.
Bakit ba parang gustong-gusto ata ni Art na pumunta si France?
" Why do I sense that you both really want her to be there tomorrow?" Lalo na ikaw Art. May tinatago ka ba?
Syempre hindi ko yun sinabi.
" Why not? she's our friend now. Plus, kaibigan niya rin naman si Eve. Don't you think it's time for us to be together again?" sagot ni Art habang nakapikit na nakahiga sa backseat.
" And? kasama na rin yung kuring na geek na warfreak na yun?"
" Hahaha. Yeah. That pretty korean geek that you've once -no, twice kissed. Hahaha."
Sinamaan ko si Art ng tingin. So, ano naman ngayon? Pang-aasar lang naman yun.
"Haha. Yeah right. Anyway, I think hindi geek si France. There's something in her aura that speaks out something else, like that she's not a geek at all."