Chapter 1

135 2 0
                                    

"Cheonmaneyo Rose anak!" [welcome home rose anak!]

Masayang bati ni Mom sa akin. Nilapitan ko agad siya at niyakap.

"Kamsahamnida Umma..[Thank you mom] it's good to be back. Bogoshipo.." [i miss you]

I missed her. I missed her a lot.

"Nado..I miss you too, anak.."[me too]

Pumasok na kami sa kotse namin at saka umalis na kmi ng airport.

Matagal-tagal na rin akong hindi nakauwi ng Pilipinas. Matagal-tagal na rin simula nung masira ko ang sarili kong buhay noon. Kaya tinapon ako sa Korea para doon magbagong buhay.

It's been 5 years already. And now I'm back, for good.

"Umma, Odegayo Appa?" [Mom, where's dad?]

Tanong ko sa kanya. Umiwas naman siya ng tingin sa akin. Nag-aalinlangan.

"Alam mo naman si Dad mo anak, Hindi mapabayaan ang trabaho. Don't worry anak, andito naman ako."

May kung anong kalungkutan ang nakabalot sa mga mata ni Mom. May tinatago ba siya?

Ngumiti lamang ako kay mom. Alam ko naman yun eh. Noon paman ganun na talaga si Dad. Kelan lang ba siya nagkaroon ng time sa unica iha niya? Natawa na lamang ako sa loob ko. Hindi pa rin siya nagbago kahit nagbago na ako.

"It's okay mom. Dad's still the same, huh? Workaholic pa din." 

Ngumiti lamang si mom. Ganun parin si mom. Maganda pa rin as usual. Nagmana talaga ako sa kanya. Hehehe. Di, joke lang. Pero totoo. Magkamukha nga kami eh. Yun ngalang singkit lang yung mata ko. Si dad kasi half korean.

"Mabuti naman at hindi mo pa nakakalimutang magtagalog anak."

"Umma naman, ofcourse. Pinoy pa rin ako.."

"Mabuti yan anak, sanayin mo na ulit magtagalog para sa pagpasok mo bukas sa school niyo, hindi na sila mahirapan sayo." tumawa pa si mom. Cute talaga niya, pareho kami. Ahaha. Tumawa narin ako.

"Bukas na pala ako papasok.."

"Aren't you excited anak?"

"Not really.. school lang naman yan eh. Wala naman dapat ikaexcite yan mom. Isa pa, 1 year lang naman at matatapos na rin ako."

"But you'll get to know other people, get to know new friends. Aren't you excited about that anak?"

"Okay lang Mom, pero wala sa isip ko yan. I'm just there to study. I just want to finish school immediately."

"But you don't have to be afraid of having friends anak.. it's been a long time already. Hindi mo kailangang lumayo sa mundo. Nagbago ka na at mabuti ka na. Hindi mo kailangan ikulong pa ang sarili mo dahil sa nakaraan.. I want you to be happy anak.. Have a new life anak."

She's staring at me intently. Pero hindi eh.. Ayoko. Ayoko ko ng maulit ang noon. Kaya mabuti na to. Ang bagong ako.

"Umma.. this is my new life now. Ayoko lang maulit ang mga pagkakamali ko noon.  Besides, not having friends doesn't mean I'm alone. I have you. And I'm happy about it."

I hold her hand saka ako ngumiti. Assuring her.

"Where are we going? Nagugutom na ako umma.." pag-iiba ko ng usapan.

Ngumiti na lamang siya sa akin ng malungkot. Batid niyang ayaw ko ng pag-usapan pa ang nakaraan.

"I'll take you to your favorite restaurant anak. I know you missed the food there already."

"Yan. Diyan ako excited Mom. Haha."

Pumunta kami sa Favorite restaurant ko. Syempre sa restaurant ni mom. Kumain kami doon ng lunch then umuwi din kami kaagad para makapag-ayos ako at makapagpahinga.

Kiss Stealing Monster (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon