France's POV
Pagmulat ko ng aking mata, magaan na ang aking pakiramdam. Hindi narin masyadong sumasakit ang aking ulo. Ang tanging nararamdaman ko na lamang ay pagkukulo ng aking sikmura.
Tinitigan ko ang orasan. 1am na pala. Pero...
"OMG!" napabangon ako bigla.
Naalala ko na! Si Paris! Nandito sa bahay! Sa kwarto ko! Alam ko hindi iyon panaginip! Totoong-totoo. Kinantahan pa nga niya ako eh..
I scanned my room but he's nowhere to be found. Pero parang may naririnig ako sa ibaba.
I got up at lumabas ng kwarto ko ng dahan-dahan. Tinungo ko kaagad ang kusina.
Malayo pa lang ay naamoy ko na ang masarap na amoy.
Shit.. Tumunog na naman ang sikmura ko.
Pagpasok ko ay natulala ako sa imahe ni Paris na nakatalikod sa akin.
Nagluluto siya. Naka-apron pa.
Hahaha. I find it cute, actually.
Nakasandal ako sa doorframe. Pinagmamasdan lang ang bawat kilos niya sa kusina ko. Ang sarap ng niluluto niya.
Nabigla naman siya na makita ako doon nang humarap na siya sa direksyon ko. Namula pa nga siya ng kaunti. Nahiya siya sigurong makita ko na nakaapron. Haha..
"France--- Ah, kanina ka pa ba diyan?"
"Not really.. Anong ginagawa mo?" umupo ako sa upuan sa island ng kusina namin.
"Kamusta ang pakiramdam mo? Ipinagluto kita ng ginger soup."
"O-okay na ako." Naalala ko na naman ang pag-aalaga niya sa akin.
"Here, kumain ka na. Alam ko gutom na gutom ka na. Kanina pa kasi tumutunog iyang sikmura mo habang natutulog ka."
Inilapag niya ang isang bowl ng soup na niluto niya sa harapan ko. Namula naman ko sa sinabi niya.
"What?? Hi-hindi kaya! Nakakahiya..." bulong ko sa huli.
"Totoo. Kaya nga ipinagluto kita eh. Hindi ka na siguro nakapaghapunan kagabi."
Seryoso ang tono niya. Nag-aalala ba talaga siya?
"Eat."
"Baka may lason 'to."
"Urrgh! just eat woman."
Napayuko na lamang ako. Inamoy ko ang soup at alam ko na masarap ito. Sumubo ako and I almost moaned loudly dahil sa sarap.
"Uhmmm..." sumubo pa ulit ako.
"Eat slowly, mainit pa iyan. Masarap ba?"
Tumango ako habang sumusubo parin. Ang sarap talaga. O baka naging exaggerated lang ang sense of taste ko dahil sa gutom na gutom ako.
"Sana may rice. Sana may ulam."
Kumunot ang noo niya. Joke ko lang naman iyon.
"Nagrereklamo ka pa. Ipinagluto na nga kita. Just eat it, okay? Ghad. You're so annoying." Mahinang sambit niya sa huli.
"Marunong ka palang magluto." komento ko ulit.
"Nah. That's the one thing I hated doing. As much as I love eating, I never wanted to cook. I'm not even a good cook." Walang tinging pag-aamin niya.
Napahinto ako bigla sa sinabi niya.
"Why did you cook for me then? And how come may ginger soup akong kinakain ngayon? Ano to, instant lang na binibili lang?"