France's POV
Naiinis ako sa nararamdaman ko.
Pano ba naman. Ang weird eh. Tss.
Napabottoms up na lamang ako nang wala sa oras.
"Thanks everyone! Enjoy the rest of the night!"
Paalam ng tatlo matapos ang performance nila.
Nagsipalakpakan ang lahat at pinagtipunan nila ang tatlo nang pababa na sila sa stage.
Nagsimula na ulit tumugtug ang party music sa loob.
"Yeah! hindi parin sila nagbabago. Magaganda parin ang mga boses." Si Eve habang iniinom ang huling patak ng alak niya.
"Ah, ganun? okay naman sila."
Yun lang ang naging komento ko
Narinig kong umorder ulit si Eve ng ladies drink.
Nakailan na ba siya?
Hindi ko na namalayan kanina dahil hook na hook ako sa taong kumakanta sa stage kanina.
"Hey, pang-ilan mo na yan Eve?"
"Calm down. Ikalawa ko palang to no. Hahaha."
"Ganun ba.. okay."
"Don't worry. Hindi naman ako katulad mo na kung makabottoms up parang tubig lang yung iniinom. Like, seriously? akala ko ba you don't drink?"
Napaiwas naman agad ako ng tingin. Nakita pala niya iyon. Nakakahalata na ba ako?
" Nakalimutan ko lang na alak pala yung iniinom ko... hehehe"
"Gusto mo pa ba?"
"Wag na.. okay na ako.. "
Umiwas ako ulit ng tingin tapos pasimpleng tumingin sa dancefloor. Naroon pa ang tatlo. Napapalibutan ng mga kabaaihan.
I rolled my eyes. Ano pa ba ang bago?
"Hey Peter!"
Narinig kong sigaw ni Eve. Sino naman kinakausap niya? paglingon ko sa kanya ay may kausap na siyang lalaki sa katabi nito.
"Hi Eve.. What's up? Ngayon lang ulit kita nakita dito ah."
Umakbay pa ang lalaki kay Eve. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil nakaharang ang ulo ni Eve.
"Yeaah.. It's been a while."
"So.. my boyfriend ka pa ba Eve? Siguro naman may chance na ako." sabi ng lalaki.
Naku. Bakit nagpapaakbay sa lalaking ito si Eve? Tss.
"Hahaha. No Peter. At anong chance yang sinasabi mo? As if you've tried courting me back then." Tinapik pa ni Eve anh balikat ng lalaki.
Eve! ba't ka ba nakikiapagharutan ka sa kanya....
At heto ako. Nakalimutan na ata ako ni Eve. Tinapik ko na lamang ang bartender saka umorder ng isa pang ladies drink.
Bored na ako.
Busy na nga yung mga so called 'friends' ko sa mga fans nila, busy na rin itong so called 'bestfriend' ko sa boylet niya. Tss.
Pagkabigay ng bartender ng drinks ay agad akong uminom.
Tinanggal ko ang glasses ko saglit dahil sa naging blurry ito. Pinatong ko muna ito sa table and then I took another sip of my drink. Doon lang ata ako napansin ni Eve.
"Hey France! I thought you had enough. Baka malasing ka niyan. Hinay-hinay."
Trust me, walang epekto sakin to Eve.