France's POV
I was trying to concentrate in class but then parang hindi ko talaga magawa. Hindi ko kasi naiintindihan ang nararamdaman ko. Physically.
Parang nilalamig ako na pinagpapawisan. Tss. Tapos sumasakit ang ulo ko at mainit ang hininga at mata ko.
Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. But then pinilit ko parin na umattend ng klase. Mabuti na lang at wala rin si Paris dahil baka lumala pa ako.
I am starring at the board blankly with my chin at my hand. Maya't maya ay napapikit ako ng marahan dahil sumasakit na naman ang ulo ko.
Napansin siguro ni Art ang uneasiness ko kaya lumapit siya sa akin.
"Hey France, are you okay? Parang ang tamlay mo ah."
"Okay lang ako Art. Medyo masakit lang ang ulo ko."
I smiled at him and then I tried acting okay the entire time.
Natapos din ang araw na wala akong natutunan. Great. Just great.
I am literally dragging my feet papunta sa parking lot. Mabuti na lamang at inalalayan ako ni Art.
"You shouldn't have come to school France.. Masama pala pakiramdam mo."
"Okay lang naman kasi ako kanina..."
Sa wakas nakarating na rin kami kung saan naghihintay na sa amin sina Miggy at Eve.
Ang dalawang ito talaga, parang inseparable. Pero nadatnan namin sila ni Art na nagtatalo na naman sa kung anung bagay.
"Whatever Miggy! Nakakainis ka! Get lost!" sigaw ni Eve kay Miggy.
"Bla Bla Bla. Ang pikon mo." si Miggy na nakacrossed-arm pa.
Napansin naman kami ni Eve kaya lumapit din naman siya sa amin. I smiled weakly at her.
"Bff! Oh, anong nangyari sa iyo? Ba't ang putla mo?"
"Hindi lang maganda ang pakiramdam ko.."
"Why?.. Tss.. So paano na yan? Hindi ka na sasama sa club mamaya?" si Miggy.
" Parang ganun na nga. Pass muna ako ha.. Sorry guys."
Tinitigan ko si Art with my apologetic eyes.
Mabuti na rin nga na hindi na ako pupunta. Makikita ko lang dun si Paris. Nakakainis pa naman yung lalaking iyon. Isama na rin ang kapit tukong Honey na iyon.
"It's okay France. Magpahinga ka lang muna sa inyo. Anyway, marami pa namang next time."
"Thank guys." I smiled at them, then Eve hugged me.
"So sad ako Bff. Hindi ka makakasama.. Sana maging okay ka na bukas. Magpagaling ka ha? Rest. Okay? And don't stay up late watching anime okay?''
Muntik naman akong matawa sa sinabi ni Eve. Alam niya kasi na mahilig ako sa anime at hindi niya alam kung bakit. Hindi niya kasi hilig iyon.
"Okay mom." Biro ko sa kanya. Haha.
"France! Don't call me mom.." Natawa na lang ako sa reaksyon niya.
"Sige, goodluck sa inyo mamaya." paalam ko sa kanila.
"Okay ka na ba? Okay lang ba talaga na magdrive ka? Gusto mo hatid na lang kita?" si Art na mukhang nag-aalala talaga.
"Okay lang ako Art.. Kaya ko naman ang magdrive." I smiled at him. Cute kasi niya. Nag-aalala siya masyado sa akin.
Then napansin ko sina Miggy at Eve na nagbubulungan at nakatingin sa amin ni Art ng makabuluhan.