Nay ano po pala ginagawa niyo po diyan, eto anak nagluluto ako ng pagkain natin, para pag dumating ang tatay niyo makakain na tayo at siguradong gutom yun pag dating galing trabaho niya. Opo nay sige po ang gagawin ko tulungan mo ako dito, ano po niluluto niyo na ulam, sinigang na isda anak yubg paborito ng tatay niyo.
Wow naman nay sarap niyan siguradong mapaparami ang kain ni tatay niyan kasi masarap kayo magluto eh, nako anak binola mo pa ako, sige iabot mo nga yung mga gulay diyan, sige po nay ito po sabay abot sa nanay niya.
Biglang may nag iingay sa labas, anak tingnan mo nga kung mga kapatid mo na yang maingay na yan, sige po nay tingna ko po.
Paglabas niya galing sa kusina nakita niyang nagtatawanan ang mga kapatid niya, at biglang nagsalita si kristel oh san naman kayo galing dapat kanina pa kayo dito sa bahay ah, kita niyo naman walang kasama si nanay dito sa bahay. Sorry na ate sabi ni karlo na pangatlong kapatid niya. San naman kayo galing na magkakapatid at ang dudungis niyo san ba kayo nagsusuot at saka amoy araw pa kayong apat bilisan niyo nat darating na si tatay mag bihis na kayo dun at mag hilamos. Ate ano ulam natin tanong ni kaloy, naku kaloy pagkain na naman yang nasa utak mo tingnan mo nga yang sarili mo oh baboy kana sabay tawa hahahaha, si ate naman eh pinag tatawanan pa ako alam mo naman ate na pagkain lang gusto ko. Sige na bilisan niyo na mag bihis.
Yan ang mga kapatid makukulit hay naku pag ganyan ang mga kapatid niyo naku mababaliw kayo sa kakulitan nila. Si karen pangalawang kapatid ko filling sexy yan kahit hindi naman, hehehehe, si karlo naman tahimik gusto lagi nagbabasa ng mga libro, si kaloy naman ang pang apat naku yan ang walang ginawa kundi kumain ng kumain pero love ko yan kasi yan ang napapasaya sa akin lagi, si kris naman ang bunso namin eto ang pinaka makulit sa lahat kung saan saan pumupunta yan.
Biglang bumukas ang pinto dumating na ang tatay nila galing sa trabaho, sinalubong kaloy ang tatay niya at nag mano ito at hinila papunta sa kusina nagugutom na daw siya sabay na nagtawanan.
Siya nga pala di ko pa po pala napakilala ang nanay at tatay ko, ang nanay ko pala si sonia antonio at ang tatay ko naman si alfredo antonio at masaya kami sa sa loob ng bahay namin. Yan ang pamilya ko masayahin.
Habang kumakain nag salita ang tatay nila oh mga anak musta ang pag aaral ninyo sana wag kayong mag pabaya sa skul ninyo ha yan lang ang maibibigay namin ng nanay niyo sa inyo kaya sana wag niyong sayangin.
Opo tay sagot ni karlo, oh ikaw kristel musta ang skul mo, okay naman po tay. Ikaw karen nag aaral ka ba oh baka pampa sexy lang ginawa mo sa skul niyo si tatay naman hindi po ah biglang sabat ni kris naku tay wag kang maniwala diyan kay ate sabay tawa hehhehehe.
Oh sige na kumain na kayo.
YOU ARE READING
panyo
Romanceluha mula sa kawalan, at pano mo ako haharapin, hindi ko alam kung ako ba talaga