Pang dalawampong yugto

0 0 0
                                    

Nang nakauwi na sila, tuwang tuwa ang mga bata dahil nandyan uli si andrew. Ganun talaga pag mga bata, pag may mas matanda sa kanila.

Ayon nakipag laro si andrew sa kanila, nagtagal ang pakikipag laro niya sa mga bata. At nag paalam na rin siya na uuwi na.

Nay, tay uwi na po ako, kristel uwi na ako bukas uli,, sige kumusta mo na lang ako sa mama mo andrew,, ok po nay, sige po alis na ako.

Naghapunan na sila, habang kumakain ay kinausap si kristel ng nanay niya.

Anak ano kumusta na kayo ni andrew,, ok naman po kami nay,, ah ganun ba anak, wag mo na siyang awayin ha. Wala naman na nay eh, ok na kami at saka nag promise naman na siya sa akin eh. Mabuti naman anak kung ganun,, opo nay,, ano masaya ka ba sa ginawa mong desisyon anak,, opo naman nay kasi mahal naman ako ni andrew eh.

Anak ano kilan ang kasal...sabat ng tatay ni kristel,, tatay naman kasal agad, hindi pa nga kami eh, nanliligaw pa rin siya eh. Ano ba yan anak ang bagal naman,, kasi po tay di pa po ako nakapag graduate kaya hinihintay pa po niya. Aba ang bait talaga yang si andrew, kung ibang lalaki yan matagal ka ng buntis anak. Oo nga po tay eh.

O siya magpahinga na kayo mga anak,, sige nay.

Nagpahinga na nga sila,

Paglipas ng araw ay naging masaya silang lahat kasi. Kasi pinasyal sila ni andrew sa park kasi wala namang pasok kaya niyaya niya ang mga ito na lumabas kasama silang lahat. Ngayon lang sila nakalabas ng ganitong magkasama silang lahat.

Salamat andrew nag aksaya ka pa talaga ng oras mo para sa amin,, naku nay wala po yon para naman po sa inyo at sa mga bata, para naman makalabas naman sila. Kuya pogi tara na..sabi ni kaloy,, imbes na si andrew at kristel ang magkasama. Ayon mga bata ang kasama niya sa mga laro dun at pinapanuod na lang nila na masaya ang mga kapatid niya.

Naku anak ang swerte mo naman dyan kay andrew, tingnan mo nga o ang saya saya ng mga kapatid mo. Kaya nga po nay eh, wala na akong hahanapin pa. Anak wag mo ng pakakawalan yang si andrew at alam ko naman na mahal na mahal ka niya.

Sino ba naman ako nay para tumanggi pa, nandyan na siya eh, at mahal ko na rin naman siya eh.

Basta anak kung may problema kayong dalawa, nandito lang naman kami ng tatay mo. Opo nay salamat po.

Anong oras na sila natapos sa paglalaro at nagutom na ang mga bata. At saka sila naghanap ng pwesto para makakain na sila. Habang kumakain sila ay halatang ang saya saya nilang lahat.

Matapos na nga silang namasyal at umuwi na sila. Ang bata napagod kakalaro, kaya naman pagdating sa bahay ayon bagsak.

Salamat talaga ng subra andrew, at ikaw pa talaga nag buhat dyan sa mga bata,, ok lang po nay mga kapatid ko na din sila eh,, magpahinga kana din kasi alam kung napagod ka din,, ok lang po ako nay, wag po kayong mag alala sa akin.

Andrew, ok lang ba..tanong kristel kay andrew,, ok lang ako basta para sayo, di ako mapapagod. Ang sweet naman,, bakit ayaw mo ba..hehe,, ikaw talaga nandyan si nanay oh,, naku mga anak wag na kayong mahiya.

Umalis na lang ang nanay ni kristel, at pinuntahan ang mga kapatid nito sa kwarto.

Malapit ka na palang maka graduate, ano magiging opisyal na ba tayo pag naka akyat kana sa stage..tanong ni andrew kay kristel

Titingnan natin kung anong mangyayari..hehe Grabe ka naman sa akin,, alam mo bang di na ako makapaghintay pa na maging tayo,, o relax ka lang..hehehe

Pano ako rerelax eh, gustong gusto na kitang mayakap, mahalikan eh,, ikaw talaga andrew ha, kunting tiis na lang mga ilang buwan na lang hihintayin mo.

Habang naguusap silang dalawa eh napatingin si andrew sa relo niya,, anong oras na pala, naku uwi na ako ha,, sige, oy baka di ka makatulog sa kakaisip ha..hehe sige bye alis na ako.

Tuluyan na ngang naka alis si andrew, si kristel naman kinikilig. At pumasok na siya sa kwarto para matulog na rin.

Dumaan ang mga araw at buwan, nalalapit na ang hinihintay ni andrew. Naging busy si kristel sa school kaya di sila masyadong nagkikita ni andrew.

Sa madaling salita hindi talaga sila nagkikita, kasi ayaw naman ni andrew na maka isturbo sa nalalapit na graduation ni kristel. At siya din ay busy sa kanyang trabaho.

panyoWhere stories live. Discover now