Nang tanungin ni kristel si nathan, di siya makapag salita dahil nga baka magalit si kristel sa sasabihin niya.
Ah...eh...kristel ganito kasi yun eh,, ano nga kanina pa ako naghihintay kung ano yung sasabihin mo..sabi ni kristel kay nathan.
Di ko kasi masabi eh,, ano ba yan nathan pumunta pa tayo dito kung di mo naman sasabihin. Eh kasi baka magalit ka eh,, bakit naman ako magagalit sayo eh bestfriend kita. Kung ayaw mong magsalita ako na lang muna mag sasabi sayo..sabi ni kristel
Sige ikaw na muna mauna, ano ba yun,, ah...nathan alam mo naman na gusto kita diba,, o tapos ano,, tuluyan ng nahulog ako sayo, pag magkasama tayo masaya ako. Ganun ba kristel, eh...kristel hindi tayo pwede,, anong hindi pwede,, wait lang tuloy ko lang yung sasabihin ko.
Ganito kasi yun eh, alam mo mabait ka naman maganda pero.....na biglang pinutol ni kristel. Pero ano nathan, mahal na kita eh alam mo ba yun. Sorry kristel di talaga pwede eh, mahal kita pero bilang bestfriend at kapatid na babae. Baka naman nathan naguguluhan ka lang..na naluluha na si kristel.
Oy! ano ba wag ka namang ganyan kristel wag kang umiyak. Masaya naman ako na magkasama tayo palagi, kasi feeling ko may kapatid na akong babae na pwede sandalan pag gusto ko. Pano na to nathan,, sorry talaga kristel, sweet lang talaga akong tao. Pero sabi mo nung una crush mo din ako,, ah yun ba wala yun sa una lang yun.
Akala ko ba naman may gusto kana din sa akin..na umiiyak na siya
Kristel, sorry talaga ha, maiwan na kita, uwi na ako ha...hindi na sumagot si kristel dahil nga umiiyak na to.
Nang nakaalis na si nathan ay mas lalong umiyak si kristel.
Habang naglalakad si nathan pauwi, ay naiiyak din ito dahil sa ginawa niya kay kristel.
Sana hindi ko na lang sinabi kay kristel yun, naawa tuloy ako sa kanya at iniwan ko pa siya dun na mag isa.
Habang nagiiyak si kristel sa may upuan ay may biglang lumapit na lalaki. Kasi tingin ng lalaki umiiyak yung babae. Kaya inabutan niya ito ng panyo galing sa likod. Wag ka ng umiyak dyan, punasan mo na yang luha mo oh kasi ang daming tao dito nakakahiya.
Salamat sabi ni kristel, mula sa harapan at nang punasan niya ang luha niya ay bigla itong lumingon sa likod para tingnan kung sino yung nag abot ng panyo sa kanya.
Nagulat ito sa nakita, bat nandito ka..tanong nito sa lalaki. Si andrew pala yung lalaking nag abot ng panyo sa kanya. Wala napadaan lang ako dito, tapos nakita kitang umiiyak, malay ko bang ikaw pala yan. Sorry sige alis na lang ako kung ayaw mo na nandito ako.
Akmang aalis na si andrew ng biglang nagsalita si kristel. Wait lang andrew,, bakit kristel diba galit ka sa akin bat pa ako magtatagal dito. Ok sige aaminin kong galit ako sayo pero, bakit ang bait bait mo pa rin sa akin kahit pinagtatabuyan kita. Iba talaga pag mahal mo ang isang tao gagawin mo lahat para mapa sayo siya. Alam mo nung una kitang nakita na love at per sight ako sayo.
At saka diba naka ilang sorry na ako sayo sa nangyari, di mo pa rin ako pinapatawad hanggang ngayon. Tapos ayaw mo din akong harapin pag pumupunta ako sa bahay niyo. Kaya nung huling pag uusap natin. Hindi na rin ako nagpakita sayo, kasi baka hindi mo talaga ako gustong makita.
Bakit mo pala ako nagustuhan andrew..tanong ni kristel kay andrew
Simply lang naman, maganda ka tapos nung makita kitang masaya kayo ng pamilya mo tapos inaalagaan mo pa mga kapatid mo. Tapos ang mga kapatid mo napamahal na rin ako sa kanila. Hindi lang naman ang itsura mo ang nagustuhan ko eh. Kasi lagi kang nakekwento ni nathan sa akin. Na subrang bait mo daw, tapos ikaw pala yung nagsabi sa nanay mo na puntahan ang mama namin sa bahay para alagaan.
Kaya lalong nahulog ang loob ko sayo, sa mga kwento ni nathan sa akin. Bakit ka pala umiiyak dito, ano ba problema mo. Pwede mo naman akong iyakan hanggat gusto mo. Ah yun ba, wala naman si nathan lang kasi eh, hindi daw niya ako gusto kaya umiiyak ako kasi gusto ko si nathan eh. Kaso bestfriend lang talaga ang turing niya sa akin.
Ganun pala yun, masakit palang umasa sa taong di ka naman gusto. Ganun din ba ang naramdaman mo sa akin ng pinagtabuyan kita,, oo medyo masakit pero mahal na kita eh, kaya di ako sumuko. Lagot talaga yang nathan sa akin mamaya pagsabihan ko nga yun kasi pinaiyak ka niya. Wag baka mag away pa kayong magkapatid dahil sa akin.
Naku wag mong problemahin yun, ako bahala kay nathan. Basta ang isipin mo nandito lang kami ni nathan para sayo. Tayo lang naman ang magkapitbahay eh, kaya sino pa ba ang magtutulungan. Basta kung may problema sabihin mo lang, wag kang mahihiya.
Nahihiya na nga ako sayo eh, ang dami kung naging kasalanan sayo eh. Naku kristel kalimutan mo na yun, di naman ako nagtatanim ng galit eh. Salamat talaga sayo ha, salamat dito sa panyo,, ok lang yan. At sorry sa lahat lahat ha,, ok lang kristel.
Ibig sabihin napatawad mo na ako,, oo ok na tayo,, sana naman payagan mo na din akong manligaw sayo,, ah yun ba, di ko alam eh, pero pagisipan ko muna ha.
Ok lang naman sa akin, basta ok na tayo masaya na ako dun.
YOU ARE READING
panyo
Romanceluha mula sa kawalan, at pano mo ako haharapin, hindi ko alam kung ako ba talaga