Yun na nga ang nangyari sa araw na yun, pinagtaguan ni kristel si andrew. Pagka alis nila andrew ay umalis na din si kristel.
Habang naglalakad pauwi si kristel ay naka ramdam siya ng pagka balisa. Sa isip isip niya,, parang may mangyayaring di maganda ngayon ah.
Nang makarating siya sa tapat ng bahay nila, nagtataka siya bakit maingay sa bahay nila.
Aba may bisita yata si nanay ngayon ah, pagpasok na pasok ni kristel ay laking gulat niya na si andrew yung kausap ng nanay niya. Nay akala ko kung sino ang bisita niyo, yung asungot lang pala. Anak grabe ka naman sa bisita mo, ikaw naman ang sadya nito dito eh. Hay naku nay wala ako sa mood, pasok na po ako sa kwarto.
Nako andrew pag pasensiyahan mo na lang si kristel ha,, opo nay ok pang po, kasalanan ko naman eh. Nay wala pa po mga anak niyong iba,, naku mamaya pa yung mga yun,, ah ganun po nay. Alis na po ako nay ha, pasensiya po sa abala. Naku andrew wala yun, ikumusta mo na lang ako sa mama mo ha,, sige po nay sabihin ko po.
Nag kulong si kristel sa kwarto hanggan naka alis na si andrew. Kinatok siya ng nanay niya sa kwarto niya para kausapin. Anak lumabas ka muna dito,, bakit po nay,, bilisan mo may pag uusapan tayo. Biglang bumukas ang pinto,, nay bakit po? ikaw naman anak bakit naman ganun yung inasal mo kanina. Alam mo bang nakakahiya sa tao, hindi ka namin pinag aaral ng papa mo na maging ganyan ka ha.
Tinuruan namin kayo na mag pakumbaba kayo kapag ang tao ay humihingi ng kapatawaran sa kanilang ginawa. Bakit napilayan ka ba, hindi naman diba, at saka wala ka namang sugat. Pero yung inaasal mo hindi naman tama sa nangyari sayo. Naka ilang hingi ng sorry ang tao, hindi mo pa rin pinapansin. Alam mo anak, mabait naman si andrew eh. Naku nay ayaw ko siyang makita eh, kasi pag nakikita ko yan siya kumukulo ang dugo ko eh.
Basta anak sinabihan na kita ha, ayusin mo yang sarili mo, hindi maganda sa paningin ang inaasal mo. Pag nalaman ng papa mo yang ginagawa mo lagot ka talaga. Nay naman eh, hindi naman kayo ako eh, di niyo naman ako naiintindihan eh.
Naku anak, kung ako sayo patawarin mo na yan si andrew, pogi pa naman at parang may gusto sayo anak..hehe
Nanay naman bakit ba ganyan ang iniisip mo. Anak naman pinapatawa lang kita eh. Magbihis ka na tulungan mo ako magluto. Ok sige po nay
Nang makalipas ang mga oras, habang naghahapunan sila ay tahimik lang si kristel na kumakain. Ate kristel nagpunta po ba si kuya pogi dito, namimiss ko na po kasi siya eh..sabi ni kaloy
Hindi pa rin umiimik si kristel,, maya maya pa nagsalita ang papa nila,, anak pansinin mo naman ang kapatid mo, ano ba nangyayari sayo. Wala po tay, maigsi niyang sagot sa papa niya
Wala po ako sa mood ngayon, kaya tigilan niyo ako ha. Wag kayong mangulit na hanapin yung taong wala naman dito. Sabay alis sa lamesa, pumasok na sa kwarto niya.
Naku kumain na kayo, hayaan niyo na lang ang ate niyo. Oo pumunta dito kanina si kuya pogi niyo, hinahanap nga kayo eh. Ah talaga po nay..sabi ni karlo
Sa sunod daw punta siya uli dito para makita kayo,, naku nay si ate naman ang pinupunta niyan dito eh..sabat ni karen sa nanay niya.
Naku anak sayempre humihingi ng sorry yung tao sa ate niyo eh, pero hindi parin niya pinapansin eh. Ewan ko talaga dyan sa anak mo ha, nag iba ang ugali hindi naman siya ganyan dati ah. Wag mo ng pansinin ang anak mo kinausap ko na kanina.
Pagkatapos nilang maghapuna ay nagpahinga na rin sila.
YOU ARE READING
panyo
Romanceluha mula sa kawalan, at pano mo ako haharapin, hindi ko alam kung ako ba talaga