Mina tapos ka ng kumain, san pala ung mga gamot mo, diyan sa may drawer sige kunin ko lang ha, oh mina wala kana palang gamot paubos na ito oh.
Ganun ba, sige utusan ko na lang si nathan para bumili ng gamot ko, ok kung ganun pero pag wala si nathan ako na ang bumili ng gamot mo wala naman kasi akong ginagawa masyado sa bahay eh at saka magkalapit lang naman tayo eh.
Musta kaya ung anak ko sa labas ayon tulog na tulog mina, naku san na naman kaya uminom yang batang yan. Maraming barkada yan kaya ganyan yan, hayaan mo mina baka magbago din yang bata na yan. May mga pagkain pa ako dito lagay ko nalang sa ref niyo may makain pa kayo mamaya at saka para dina magluto si nathan mamaya.
Salamat talaga sa tulong niyo, wala un wag mo ng isipin un. Uwi na ako ha mag palakas ka at mag pagaling para sa mga anak mo. Sige salamat uli.
Nang umuwi na ang mama ni kristel.
Nagising na ang panganay ni mina, pumunta sa kwarto ni mina biglang nag sisigaw naghahanap ng pagkain, at inutusan pa ang mama niya para mag luto, di ba alam na may sakit mama niya.
Pinatatayo niya ang mama niya at pinipilit niyang magluto ng pagkain niya. Tapos bigla niyang hinahawakan ang kamay ng mama niya hila hila niya ito, muntik na naman itong mahulog sa kama. Buti na lang at dumating na si nathan, ayun at sinigawan niya ang kuya niya....kuya!! ano ginagawa mo kay mama di mo ba nakikita may sakit mama, di kana naawa kay mama, puro sarili mo lang iniisip mo at biglang sinapok si nathan ng kuya niya.
Hinahawakan siya ng mama niya at sundin mo na lang ang kuya mo anak. May pagkain pala dyan sa may ref anak, nagulat si nathan sa sinabi ng mama niya, oh bakit ma nagluto ka pa,dapat di kana gumagalaw alam mo naman na may sakit ka eh na umiiyak sa harap ng mama niya.
Anak tahan na wag ka ng umiyak, di naman ako nag luto nun eh alam mo ba kung sino...sino naman po ma...nanay ng kaibigan mo si kristel....nagulat siya sa narinig niya. Ah uummm panong nalaman ng mama ni kristel un ma. Ang sabi niya na ekwento daw sa kanya ng anak niya kaya ayun nag punta dito may dalang mga pagkain.
Ah kaya pala nagtanong sa akin si kristel kagabi kung san kami nakatira mag kapitbahay lang pala kami di ko alam un ah. Sige na anak initin mo na lang mga pagkain dun para makakain na ang kuya mo, sige po ma.
Nag tungo na si nathan sa kusina at kinuha ang mga pagkain sa ref para initin para makakain na ang kuya niya.
Pagkatapos niyang magpainit ng pagkain tinawag na niya ang kuya niya.
Pagkaupo ng kuya niya sa lamesa bigla itong nag salita may pagkain naman pala eh ayaw pang ibigay kanina. Kuya sumusubra ka na di kana naawa kay mama kaya hindi gumagaling galing si mama dahil sayo kuya. Di mo ba alam un nakakainis kana kuya, bakit kaba nagkakaganyan nandito naman kami mama para sayo.
Oh bakit kung nandyan kayo may magagawa ba kayo sabi ng kuya niya sa kanya. Oo kuya may magagawa pa tayo basta ayusin mo lang ung sarili mo.
Kuya ano ba ang problema bat mo to ginagawa, problema!!! kayo ung problema eh, panong kami ang problema ni mama. Wala naman kaming ginawa sayo eh. Alam mo ba nathan nababaliw na ako kakaisip kung ano ang gagawin ko, simula nung mamatay si papa parang gumuho ang mundo ko alam mo ba un ha!!!
Kuya naman eh, dito pa kami ni mama oh mahal ka namin ni mama, kuya naman eh umayos ka naman para kay mama. Di ko alam nathan ang gagawin ko, kuya hindi naman kami pabigat ni mama eh, kasi ung pang gamot ni mama may pera naman na naiwan si papa eh kaya di nmn kami pabigat sayo, kuya bumalik kana sa dati.
Pano!!! nathan pano sabay iyak ng kuya niya...huhuhuhuhu
Kuya mahal na mahal po kita.Nathan tigilan mo na yang pagmamahal na yan, di naman natin makakain yan eh.
Kuya basta magkakasama tayo ni mama, maayos din natin ito wag ka ng mag lasing ng maglasing kasi pag ganyan gagawin mo, wala talagang mangyayari sayo oh sa atin, alalahanin mo naman si mama, kuya para lang kay mama umayos kana kuya.
YOU ARE READING
panyo
Romanceluha mula sa kawalan, at pano mo ako haharapin, hindi ko alam kung ako ba talaga