Nang makauwi na nga sila nathan sa bahay nila, tinanong niya uli ang kuya niya.
Kuya andrew may gusto ka ba kay kristel? Ah! ano bang tanong yan nathan, bakit may mali ba kung magkakagusto ako sa kanya? Balik na tanong kay nathan. Ah...eh...kuya tinatanong lang naman kita eh, bat ka nagagalit?
Hindi naman ako galit eh, bakit nathan may gusto ka din kay kristel? Ah..di ko alam kuya eh, kasi di pa ako ready sa mga ganyan pero special siya sa akin. O ganun naman pala eh, eh di pwede ko siyang ligawan. Ano nathan, kung ok lang sayo ha ligawan ko yung bestfriend mo.
Naku nathan wag kang mag alala, diba nag bago na nga ako kaya walang mangyayaring masama sa bestfriend mo. Kasi nung nakita ko siya, parang na nahulog na agad ako sa kanya. Alam mo ba yung may muntik na akong nabangga sa kalsada. Oo kuya, bakita si kristel ba yun? kaya pala galit na galit sayo yung bestfriend ko.
Kaya nga eh, hanggang ngayon galit pa rin siya sa akin, Alam mo bang araw araw ko siyang sinusundan para lang mag sorry. Pumunta pa ako sa bahay nila para mag sorry sa tatay at sa nanay niya. Ewan ko ba, kung bakit subra ang galit niya sa akin. Baka naman kuya, nabigla lang siya sa mga nangyari o napahiya siya kaya ganyan siya sayo.
Di ko alam dun, maganda naman siya sexy pa. Ikaw kuya ha, ikaw nathan ha alam ko yang iniisip mo ha. Alam mo naman na minsan lang ako magmahal ng ganito. Naku si kuya,, tumigil ka na nga dyan, tawagin mo na si mama para makakain na siya. Sige kuya
Sa bahay naman nila kristel.
O anak bakit ka naman ganyan, tingnan mo nga yang mukha mo sa salamin. Ano bang nangyari sayo at ganyan ka mag simangot parang may nakaaway ka na naman ah. Naku nay, sinabi niyo pa, kasi nakasulubong ko na naman yung asungot.
Anak patawari mo na yung tao, wala namang ginagawa masama eh. At saka sabi pala niya sa amin ng tatay mo, kung pwede ka daw niya ligawan. Alam mo yung tatay mo pumayag, para naman magka boyfriend kana para hindi kana magsungit ng ganyan. Nanay naman eh, pumayag agad, di manlang ako tinatanong kung papayag ako eh.
Si tatay mo ang may gusto, pero kung ako ang tatanungin ok lang naman sa akin eh. Baka naman anak kaya ka nagkakaganyan dahil inlove ka na din sa kanya. Ay! si nanay naman eh, ay naku hindi yun mangyayari nay. Anak parang baligtad na ang nangyayari, ikaw na yung nging masama kasi naka ilang sorry na siya sayo hindi mo parin tinatanggap.
Kasi sa amin ng tatay mo nag sorry na siya tapos yung mga kapatid mo tinutulungan niya. At pinapasyal pa sila ni andrew sa park. Yung mga kapatid mo tuwang tuwa sa kanya. Alam mo ba yun anak, sana naman magiging ok kayong dalawa. Pag isipan mong mabuti anak.
Naku nay lalo mo lang ginulo ang utak ko eh. Basta anak mas mabuti nang maging mabait kaysa masamang tao. Ikaw din baka magsisi ka sa huli.
Magbabago kaya ang pakikitungo ni kristel kay andrew. Sa dami ng sinabi ng nanay niya wala pa siyang nakuhang aral dun.
Pano kaya ang mangyayari, magiging masaya kaya ang araw ni kristel?
YOU ARE READING
panyo
Romanceluha mula sa kawalan, at pano mo ako haharapin, hindi ko alam kung ako ba talaga