Wedding Cell!

702 19 18
                                    

Awtors note: eto na mikpot! Sus! Excited sa next chapter! Hahaha...

KARYLLE

"Hindi ako sigurado kung tama ba ang ginagawa kong ito? Ang alam ko lang na kahit sa pagkakataong ito ay maranasan kong makasal sa kanya kahit ang totoo ay imposibleng mangyari. Pangako pagkatapos nito ay pipilitin ko ng mawala ang pagtingin ko sa kanya. Kahit sa huling pagkakataon lang na ito ay maramdaman ko ito.",sabi ni Karylle sa sarili. Pinipigilan niyang maluha dahil alam niyang ito na ang huling pagkakataon na magugustuhan niya si Vice. Tinitignan niya ang sarili sa salamin habang sinusuotan ng dark blue dress at inayos ng konti ang kanyang buhok. Nilagyan din siya ng light makeup. Bumuntong hininga ito saka naglakad palabas sa dressing area ng booth.

Napanganga ang lahat ng makita nila ang gandang taglay ni Karylle maging ang hubog ng kanyang katawan. Maya-maya pa ay lumabas na si Vice. Napanganga din ang lahat dahil sa kagwapuhan nito ng ayusan siya na parang isang lalaki although may konting makeup ito.

VICE

"Kahit ngayon lang po. Alam kong may boyfriend ako. Ngayon lang dahil mababaliw na ako sa nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko ito pipigilan kahit ngayong araw na ito lang. Sana makisama si pagkakataon sa akin.",sabi ni Vice sa sarili dahil hindi ito makakalma sa mangyayari. Alam niya sa sarili niyang tama ito kaya hindi na rin ito magpipigil. Sinuotan ng jacket na black para magmukha siyang lalaki at binawasan ang putok na putok niyang makeup. Bumuntong hininga rin siya bago ito lumabas.

Dahil halos sabay lang silang lumabas ay sabay din silang nagkatinginan na tila di makapaniwala. Unti-unti silang naglapit. Hanggang nakarating na sila sa harap ng isang maliit na altar. Hinawakan ni Vice ang nanlalamig na kamay ni Karylle. Pinisil niya ito ng kaunti na tila nagsasabing okay lang yan at nandito naman ako. Ngumiti na rin si Karylle.

"Ayos ka lang ba? Sabihin mo pag gusto mo ng itigil ito.",tanong ni Vice. "Please! Wag kang magback out, Karylle!",sabi nito sa sarili.

"Hindi. Okay lang ako, Vice. Salamat. Ikaw ayos lang ba sayo ito? Baka napipilitan ka lang? Okay lang din na itigil ito.",sagot ni Karylle. "Wag kang umurong, Vice! Kahit ngayon lang please!",sabi niya sa sarili. Umiling naman si Vice bilang sagot.

Dumating na ng kunwaring judge na magkakasal sa kanilang dalawa.

"May tumututol ba sa kasalang ito? Kung wala ay magpapatuloy na tayo.",sabi ni Judge kuno.

"Tuulooy mo na yaan! Naiinip na kami! Woooh!",sigaw ni Anne. Napailing na lang ang lahat sa pagiging bungangera niya.

"Okay. Magpatuloy na tayo. Ikakasal ko kayo ngayong araw na ito. Kaya magtuturingan kayong mag-asawa hanggang mamayang pagpatak ng alas-sais ng hapon. Pagkatapos nun ay maari na kayong maghiwalay at bumalik sa dati. Kaya ikaw babae? Tinatanggap mo bang asawa ngayong araw na ito lamang si lalaki?",tanong ng Judge kuno.

"Opo. Tinatanggap ko po.",sagot ni Karylle at tumingin kay Vice.

"Ikaw naman lalaki? Tinatanggap mo bang maging asawa ngayong araw na ito lamang si babae?",tanong niya sa kanya.

"Opo. Tinatanggap ko po.",sagot niya at nakatingin din kay Karylle.

May lumapit na dalawang estudyante sa kanila at tinanggal ang posas. Inabot kay Karylle ang isang bouquet ng bulaklak.

"Idinedeklara kong kasal na kayo ngayong araw na ito lamang. Lalaki, you can now KISS the bride.",sabi ni Judge kuno.

"WHAT?!",tanong ng dalawa at nanlaki ang mata mga ito. Nagkatinginan ang dalawa at kapwa namula ang kanilang mga mukha.

"Opo? Lahat naman po ng kasal may kiss di ba? Kaya dapat po may kiss din.",sabi ni Judge kuno.

"KISS na yaaan! Kiiiissss!",sabi ng mga Grupong Showtime at Team Vice kasama ang iba pang audiences nila.

"Karylle pikit ka na lang. Trust me on this. Do you trust me?",sabi ni Vice kay Karylle at hinawakan ang nanginginig nitong kamay. At muling tumingin sa mata niya si Karylle. Sa mga oras na yun ay lalong lumakas at bumilis ang tibok ng puso niya.

"I...i...yes...I trust you.",walang alinlangan sa mga mata nito na nakatingin kay Vice.

Pinamulahan ng mukha si Karylle kaya napayuko ito. Lumapit si Vice at hinapit ang bewang ni Karylle. Napakapit ng mahigpit sa bouquet si Karylle dahil sa sobrang kaba.

"Wooohh! Meme ang gwapo mong beki! Shemaz! Pakasal na din ako sayo!",sigaw ni Buern.

"Viceral halikan muna! Kung di mo kaya yan! Double ako!",sabat din ni Jhong.

"Kiss na yan! Bestie go!",sigaw ni Billy.

"Sige na, Vice! Para hindi na ako hinihingan mo ng kiss!",dugtong naman ni Vhong.

Lalo tuloy kinabahan si Karylle kaya napayuko ito. Hinawakan ni Vice ang baba niya. Inangat ang mukha nito hanggang magtama ang mga mata nila.

"Kung ano man mararamdaman mo sa gagawin ko. Totoo lahat yun. Ipikit mo mga mata mo. Trust me. Okay?",sabi nito kay Karylle. Napakunot ng noo si Karylle.

"Ano bang ibig mong sa...",naputol na sabi ni Karylle.

Dahil lumapat na ang labi ni Vice sa labi ni Karylle. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ni Vice. Pero iba yung pakiramdam niya nung oras na yun tila nanlambot lahat ng buto niya. Pakiramdam niya ay nakalutang si Karylle. Lumakas ang pintig ng puso niya. Kaya napakapit din siya sa braso ni Vice. Wala silang naririnig kahit naghihiyawan nag kanilang paligid. Tumagal pa ang halik ng ilang segundo ng maramdaman ni Karylle na mas dumiin ang labi ni Vice. Hanggang tumigil ang halik at tinignan siya ni Vice. Dinilat dahan-dahan ni Karylle ang kanyang mga mata. Nakita niyang may ngiti sa labi niya at nakatingin sa kanya si Vice.

"Ikaw ang FIRST KISS ko. Sa isang merlat pa. Tss.",sabi nito. Nagtaka naman siya dahil alam niyang may boyfriend ito.

"Di ba may boy...",putol na naman na sabi ni Karylle.

"Karylle ayos lang ba na hanggang matapos ang Foundation Day yung validity ng kasal natin? Okay lang ba MISIS KO?"tanong ni Vice.

Nabigla naman si Karylle sa tanong na yun ni Vice. "Eto na yun! Kahit ngayon lang. Haay! Bahala na nga!",sabi nito sa sarili sobrang kilig at alam niyang namula ang mukha niya.

"Oo. MISTER KO.",sagot ni Karylle. Kaya sa sobrang tuwa ni Vice ay bigla niyang niyakap si Karylle ng mahigpit.

Nagpalakpakan ang lahat at nagsaboy ng mga flower petals. Sabay sigawan ang lahat na tila totoo silang kinasal.

"Eto na ang bagong kasal!",sabi Judge kuno. Kumawala sa yakap si Vice at hinarap nila ang mga audience nila.




...abangan ang part 2!!! May honeymoon kaya? Chos!

Please vote ad leave a comment!!! Thank you guys!




....next chapter!

Vicerylle Story: Bet kita Bekz! Bet kita Merlat!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon