"My. Girlfriend?",tanong ni Vice sa kanya habang nakaluhod.
Alam ni Karylle na hindi na niya kailangan sumagot dahil alam na ni Vice ang sagot. Matagal niyang hinanap at hinintay si Vice. Kaya ngayon na magkasama na ulit sila ay wala siyang nakikitang rason na dapat pa ulit silang magkahiwalay. Kung pwede lang niyang bilisan ang panahon para pwede na silang magpakasal ay ginawa na niya. Kaya ngayon ito muna ang alam niyang tama. Ang maging girlfriend nang boyfriend niyang ubod ng pogi at ganda. Bago pa man makasagot si Karylle ay may tumikhim sa may likuran niya.
"Ahem! Ahem! Ahem!",parinig ng Daddy niya.
Napalingon lahat sa kanya. Kinabahan si Karylle dahil baka tumutol ang ama niya. Si Vice naman ay nanatiling nakaluhod sa kanyang pwesto at hindi nagpatinag.
"Anong gagawin namin sayo pag pinaiyak mo ang anak ko?",seryosong tanong ni Daddy Modesto.
"Wala po kayong gagawin.",sabi nito.
Lahat ay kinabahan sa sagot niyang yun. Lumingon ang lahat sa kay Vice. Pati si Karylle ay nanlamig ang buong katawan sa kaba dahil sa kanyang sagot.
"Wala po kayong gagawin dahil ako po mismo ang gagawa. Ako po mismo ang lalayo sa anak ninyo oras na mangyari po yun.",dugtong nito.
Kaya nakahinga ang lahat dahil sa sagot niya. Ngayon ay balik sila ng tingin sa Daddy Modesto niya dahil wala pa itong sagot.
"Karylle?",tawag nito sa anak.
"P-po?",kinakabahang tanong nito.
"Anong isasagot mo sa kanya?",tanong ng Daddy niya.
Ngumiti si Karylle na nakatingin sa kanyang ama. Ngumiti ang kanyang ama sa kanya saka tumango. Alam na ni Karylle na hinahayaan na siyang magdesisyon ng kanyang ama. Tumingin siya kay Vice na nakatingin din sa kanya.
"Yes. Yes! Yes!",sagot niya.
Walang anu-ano'y tumayo si Vice at niyakap niya si Karylle ng mahigpit. Yumakap siya pabalik sa binata. Hindi nila maitago sa kanilang mukha ang sobrang saya. Naririnig nila sa paligid nila ang kantiyaw ng kanilang mga kasama. Pero hindi nila pinansin ang mga ito. Nang biglang tumugtog ang background music. Humiwalay si Vice sa pagkakayap at tumingin kay Karylle.
"K? May I have this dance?",sabi nito kay Karylle at inilahad ang kanyang kamay sa kanya.
"Of course, V.",sagot nito at hinawakan ang kamay niya.
Paki-play po yung media...
Wherever you are tonight girl
I'll see you in my dreams
Wherever I go tomorrow
You'll be here next to me
Nagkatitigan ang dalawa habang nagsasayaw. Damang-dama ng dalawa ang pagmamahal ng bawat isa. Hindi man naging maganda ang pagkikita nila sa ikalawang pagkakataon. Dahil sa beki si Vice at kung anu-ano ang nagawa nito sa kanya. Pero ngayon ay alam nilang hindi na mangyayari yun at nawala na ang pangungulila nila sa bawat isa.
And though we are a world apart
I know you're never be that far
Oohh ooohh wooohh
Cause here in my heart
There's a picture of us
Together forever
Unfaded and unbroken
Wherever you are
Your love covers me
![](https://img.wattpad.com/cover/30679325-288-k863134.jpg)
BINABASA MO ANG
Vicerylle Story: Bet kita Bekz! Bet kita Merlat!
Romance"Anong sabi mo? Gusto mo ako? Care to explain? Karylle?",tanong ni Vice habang nakapamewang na nakatayo sa likuran ni Karylle. "Gosh! Anong gagawin ko? Naku naman! Ba't ko pa kasi binanggit yun?",bulong niya sa sarili na tila nanigas at di makagalaw...