Parang gustong lumubog sa kinauupuan niya si Vice. Hindi niya alam ang gagawin. Hindi rin makapag-react ng maayos ang Grupong Showtime dahil hindi nila alam kung ano nga bang naaalala ni Karylle.
"A-ahm... Girl? K-karylle? A-ako? Naaalala mo na ba?",tanong ni Anne para mawala ang kaba ng lahat. Pero umiling si Karylle.
"A-ako? K-karylle nasali ba sa naaalala mo?",tanong din ni Vhong. Umiling din lang ang dalaga.
"Anong naaalala mo tungkol sa akin? K-karylle?",biglang singit ni Vice. Napalingon at nagulat ang lahat sa tanong niya.
Imbes na sumagot agad si Karylle ay yumuko ito at parang biglang napangiti. Kaya kumunot ang noo ng lahat at lalo na si Vice.
"H-hindi ba maganda yung naaalala mo?",nag-aalalang tanong ulit ni Vice. Umiling naman si Karylle.
"A-ahm... M-may... May kakambal po ba kayo, Sir Vice?",tanong ng dalaga tsaka nag-angat ng tingin at pansin ang pamumula ng pisngi nito.
"A-ano? A-anong kakambal?",nagtatakhang tanong ni Vice.
"Sino yung kamukha mong yun? May kambal ka bang lalaking-lalaki pa sayo?",biglang singit na naalala ni Vice. Ito ang tanong sa kanya ni Karylle nung nagpunta siya sa ospital dahil sa kagagawan niya.
"Ah! Yun bang iniisip mong ako yung lalaking dumalaw sa'yo sa ospital nung sumakit tiyan mo? Yun ba yun?",nangingiting tanong ng binata. Tumango naman si Karylle.
"Eh talaga namang pumunta ka di ba? Inamin mo pa nga!",singit naman ni Vhong. Pinandilatan siya ng mata ng grupo tsaka siya nag-peace sign.
"Hindi naman po importante yun, Sir Vice. Kalimutan niyo na po? Pasensiya na po kayo kung naabala ko pa po kayong lahat. Sorry po? Sige po at babalik na ako sa trabaho.",dispensa nito.
Akmang tatayo na sana si Karylle nang pigilan siya ni Vice.
"No. You just take a rest. Ako ng bahala sa labas. I'll ask someone to answer your calls for awhile pati na din mga dapat mo pang gawin. Just rest. Baka kung mapano ka pa. Remember, you need to be in the party later. Understand?",utos nang nag-aalalang binata.
"Y-yes, Sir Vice.",sagot naman niya.
"Good. Guys, tara at labas na tayo para makapag-pahinga na si Karylle. Just rest, Karylle.",utos ng binata saka tumayo.
"Thank you, Sir Vice!",sagot naman niya.
Isa-isa ng lumabas at nagpaalam ang lahat tsaka nila iniwan muna ang dalaga. Habang nasa labas sila ay bigla nilang pinag-usapan si Karylle.
"Vice, paano kung bumalik na alaala ni Karylle? Anong gagawin mo?",tanong ni Vhong.
"Hindi ko pa alam. Hindi pa naman bumabalik di ba? Sa ngayon, hindi ko pa naiisip ang bagay na yan.",sagot niya.
"Pero unti-unti ng bumabalik ang alaala niya. Mas dumadalas pa nga ngayon eh. Dati hirap siyang maka-alala. Simula ng bumalik ka ay madalas na niyang maalala ang tungkol sa inyo. Hindi ka ba natatakot?",singit ni Jhong.
"Oo nga! Di ba nung kadarating natin parang sumakit din ulo niya? Baka may naalala na siya nung time na yun pero di niya sinabi Vice? Sigurado akong hindi magtatagal at makakaalala na siya. Ihanda mo na ang sarili mo, Vice. When that time comes? Kailangan mo talaga ng lakas ng loob to face it, Vice.",sabi ni Billy.
"Vice, we know that it will be very hard for you pag dumating na ang araw na iyon. Pero wag kang mag-alala. Andito kami. Tutulungan ka namin. Alam naman namin kung gaano mo kamahal si Karylle eh. Yun nga lang may pagsubok talaga na sinusubok kayo. Isa na si Jon dun. May lead na ba kayo kung nasaan na ang hayop na yun?",tanong sa kanila ni Anne. Lahat sila ay umiling lang samantalang si Vice ay naka-sapo sa noo at napamasahe dahil sa pagod.
BINABASA MO ANG
Vicerylle Story: Bet kita Bekz! Bet kita Merlat!
Romance"Anong sabi mo? Gusto mo ako? Care to explain? Karylle?",tanong ni Vice habang nakapamewang na nakatayo sa likuran ni Karylle. "Gosh! Anong gagawin ko? Naku naman! Ba't ko pa kasi binanggit yun?",bulong niya sa sarili na tila nanigas at di makagalaw...