Friend zone 2

685 22 0
                                    

Halos manliit sa sarili si Karylle. Na-friend zone siya. Pinilit pa rin nitong ayusin ang sarili. Para hindi siya mag mukhang assuming. Hinarapan niya si Vice.

"Ano ka ba! Oo naman! Friend tayo. Alam ko naman na concern ka lang kanina. Kaw talaga! Serious ang peg teh? Relax na. Okay na.", sabi ni Karylle na pilit itinatago ang lungkot sa mukha. Lumapit bigla si Vice sa kanya. Niyakap siya nito ng mahigpit.

" Salamat! Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya! Iba ka talaga Merlat! Bait mo!",sabi ni Vice saka kumalas sa pagkakayap.

"Okay na Beki? Yun lang ba ang ipinunta mo rito?", tanong ni Karylle. Sasagot na sana si Vice ng may biglang kumatok sa pintuan. Si Mommy Zsazsa niya na may dalang meryenda.

" Oh mga anak! Kumain muna kayo. Mukhang seryoso ang usapan niyo ah?",sabi ni Mommy Zsazsa. Bitbit ang pagkain at sinalubong agad siya ni Karylle.

"Wala po Mommy! Kayo talaga. Salamat po!", sagot ni Karylle habang inilalapag ang tray sa mesa.

" Vice dito kana kumain ng hapunan ha? Pagluluto kita!",alok ni Mommy Zsazsa.

"Naku! Wag na po. Uuwi rin po ako agad kasi may aasikasuhin pa po ako.", sabi ni Vice.

" Ah? Ganun ba? Sige pabaunan na lang kita ng leche flan mamaya. Gumawa kasi ako kanina. Oh siya! Sige maiwan ko na kayo ha?",sabi ni Mommy Zsazsa.

"Salamat po Tita!", sabi ni Vice at lumabas na si Mommy Zsazsa. Agad namang inalok ni Karylle si Vice na kumain.

" Vice halika na? Meryenda tayo? Gutom na rin ako.",sabi ni Karylle at umupo sa harap ni Vice.

"Bait talaga ng mga magulang mo. Swerte mo bruha!", sabi ni Vice. Habang kumakain ng meryenda nilang turon.

" Mas masuwerte ka pa nga eh! Nese yo ne eng lehet! Sabi nga ni Daniel Padilla. Kaya ikaw ang swerte!",sabi ni Karylle.

"Wala na akong magulang. Si Lolo Ernesto ko na lang ang kasama ko. Laging abala sa negosyo namin. Kaya di ko siya nakakasama.", sabi ni Vice. Biglang nalungkot si Karylle dahil sa kalagayan ni Vice.

" Gusto mo kung wala kang ginagawa sa inyo. Pasyal ka lang dito. Para may makausap ka.",alok ni Karylle.

"Ayos lang! Sanay na ako. Nga pala naumpisahan mo na ba yung assignment?", tanong ni Vice.

" Oo. Nakakuha na ako ng mgpictures. Wait, pakita ko sa'yo."sabi ni Karylle saka tumayo at kinuha ng camera. Lumapit ito kay Vice at umupo sa tabi niya.

"Kumuha ako from different groups na magpe-perform while nasa rehearsals sila. Pumunta din ako sa Faculty while ongoing yung discussion about the event. Okay bq mga kuha ko?", sabi ni Karylle na medyo malapit ang mukha kay Vice. Hindi nito alam na naiilang na pala kanina si Vice dahil sa distansya nila.

" Gosh! Merlat! Lumayo kang konti! Baka di ako makapagpigil sa ginagawa mo! Naaakuuu!",sabi ni Vice sa sarili habang hindi mapakali sa kinauupuan.

"Vice? Ayos ka lang?", sabi ni Karylle habang nakatitig ito sa kanya. Doon lang nagising sa sarili si Vice.

" A-ah? Oo! Ayos lang ako! Ano veh! Buti pa samah...",sabi nito ng may tumatawag sa kanyang cellphone.

Mang Ramon calling...

"Mang Ramon? Bakit po? May problema po ba?", tanong nito at nakanunot ang noo.

" Ah Sir pasensiya na po? Sabi ni Manang Berta kailangan niyo na daw pong umuwi? Emergency daw po."sabi ni Mang Ramon.

"Haa?!? Oh sige po! Hintayin niyo po ako diyan sa baba. Papunta na po ako. Salamat po.", sagot ni Vice pagkatapos ng tawag habang hawak ng mahigpit cellphone at napaisip. Tumayo ito agad at humarap kay Karylle.

"Kaloka! Anyare kaya? Merlat bukas na lang tayo mag-usap ulit ha? Salamat. Kailangan ko ng umalis."sabi nito at tinapik lang si Karylle sa balikat.

" Ha? Bakit? Ano bang nangyari?",nag-aalalang tanong ni Karylle.

"Wa ko know? Kaya aura na ako ha? Thank you! Good night!",sabi ni Vice at bineso si Karylle.

" Sige! Bekz balitaan mo ko ha? Hatid na kita.",nag-aalalang sabi nito. Tumango lang si Vice.

Pagdating nila sa sala ay sinabi agad ni Karylle na kailangan nang umuwi ni Vice dahil sa isang emergency. Pinadalhan ni Mommy Zsazsa si Vice ng leche flan na gawa niya. Pagdating ni Vice sa bahay nila ay nakapatay lahat ang mga ilaw sa loob.

"Patay ang ilaw? Manang Berta? Manang! Asan ba ka...", sabi ni Vice ng biglang magbukas ang mga ilaw.

" Surprriiiise! Hi Baby Girl!",sabi ng isang binatang mestizo. Siya si Jon Avella na boyfriend ni Vice.

"Baby Boy? What are you doing here?", sabi ni Vice.

" Surprising you! It seems that you are not.",sabi ni Jon habang may hawak na bouquet at nalungkot bigla.

"I am! Its just that..huh! I thought it was really an emergency. I'm sorry. I didn't mean it. I'm happy that you're back! You're here now!", sabi ni Vice at niyakap si Jon. Nang may biglang tumawag sa kanya.

PrettyMerlat calling....


Sasagutin mo kaya Vice? Hmmmmm?

You know na da rules! Vote and comment! Thanks sibs and readers!


...next!!!

Vicerylle Story: Bet kita Bekz! Bet kita Merlat!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon