Inaabot ni Yael ang kanang kamay nito kay Karylle para makipagkilala sa kanya. Sa di kalayuan ay nakatingin si Vice sa kanilang dalawa. Nakatayo ito sa locker area at hawak ng mahigpit ang pintuan ng kanyang locker na animo'y naiinis. Tinignan ni Karylle ang kamay ni Yael sabay tingin sa nakangiting binata at saka tinignan si Vice na nakatingin sa kanila. Nang napansin ni Vice na tumingin si Karylle sa kanya ay padabog na isinara ang kanyang locker saka ito umalis. Nalungkot si Karylle sa reaksyon na yun ni Vice. Saka niya hinarap ulit si Yael.
"Pasensiya na ha? Di kasi ako nakikipagusap sa outsider. Save it.", supladang sagot ni Karylle.
" Pero makikipagkilala lang sana ako. I'm not a bad person. I just want to know your name, Miss? Please? ",pahabol ni Yael habang inaalok pa rin ng shake hands si Karylle. Bago pa iaabot ni Karylle ang kamay nito ay dumating na ang Grupong Showtime.
"Karylle!", tawag ni Jhong sa kanya. Lumingon si Karylle sa kanila at hinarap ulit si Yael.
" Pasensiya na. Hindi talaga ako basta-basta nakikipagkilala lalo na sa outsider.",sabi ni Karylle at iniwan na si Yael para pumunta kina Jhong.
"Hi guys! Kumusta kayo? Long time no see!", sabi ni Karylle habang nakikipag-fist bump sa kanila.
" Karylle sino yun? Binabastos ka ba? Kailangan mo ng resbak?",tanong ni Jhong habang tinitignan si Yael na nakatayo pa rin sa lugar kung saan sila nag-usap ni Karylle.
"Outsider ata siya. Di ko alam kung bakit siya andito eh! Gusto lang makipagkilala pero di ako binastos. Hayaan niyo na lang. Di naman ako nakipagkilala eh.",sabi lang ni Karylle.
" Kumain ka na ba girl? Tara kain tayo? Ambabagal ng mga ito eh! Gutom na ako.",sabi ni Anne kay Karylle sabay hawak sa kanyang kaliwang braso.
"Sige! Pakainin na natin itong si Aning! Para matahimik na ang nag-aalburuto niyang ngangabu. Ingay eh!", sagot ni Billy sabay hampas sa kanya ni Anne.
" Wag naman kayong ganyan kay Anne. Hayaan niyo na siyang kumain ng masalpakan ang bibig niya. Mamaya bibirit na naman eh.",gatong ni Vhong at kinurot naman siya ni Anne.
"Ang hard niyo naman kuys! Tama na yan. Asan nga pala si Bekle? Di mo siya kasama, Karylle?", tanong ni Teddy.
" Oo nga! Tagal ng di nagparamdam nun ah!",dagdag ni Jugs.
"Busy kasi kami. May mga pinapaasikaso sa amin eh. Lalo na sa kanya dahil Student President siya di ba? Kaya di nyo madalas makita yun.", sagot agad ni Karylle.
" Pati nga kami ni Coleen busy. Di ba girl?",sagot ni Anne sabay tingin kay Coleen. Tumango naman si Coleen.
"Tara? Kain na tayo?", alok ni Karylle. Tumango naman sila at naglakad na papuntang canteen.
Dahil meryenda lang ang break nila ay sandali lang nakasama ni Karylle ang grupo. Habang naglalakad na ito pabalik ng klase ay may humarang ulit sa kanya. Pagtingin nito ay si Yael.
"Hi! I'm really sorry to bother you. I just want to know your name. Want you to be my friend? Please?", sabi ni Yael na tila nagmamakaawa.
" Excuse me! Are you a stalker? I told you! I don't talk to outsiders! So, stop bothering me!",sagot ni Karylle.
"No! I'm not a stalker. Look, there's a reason why I'm here. But, it doesn't mean that I'm a stalker. Okay! The truth is...I'm attracted to you. Pero ang gusto ko lang talaga ay makipagkilala. Yun lang! Kaya di ako masamang tao. Please?",sabi ni Yael at nag-aalok ulit ng shake hands kay Karylle. Napabuntong-hininga si Karylle at nakipagkamay na rin.
" Ana Karylle.",tipid na sagot nito na nakasimangot at di nakatingin kay Yael.
"Yael. Yael Yuzon. Thank you! Karylle ang tawag sa'yo di ba? Okay lang ba na yun na rin itatawag ko sa'yo?", sabi nito sa kanya at hindi pa rin tinatanggal ang pagkakahawak kay Karylle.
BINABASA MO ANG
Vicerylle Story: Bet kita Bekz! Bet kita Merlat!
Romance"Anong sabi mo? Gusto mo ako? Care to explain? Karylle?",tanong ni Vice habang nakapamewang na nakatayo sa likuran ni Karylle. "Gosh! Anong gagawin ko? Naku naman! Ba't ko pa kasi binanggit yun?",bulong niya sa sarili na tila nanigas at di makagalaw...