Hinablot ni Karylle ang braso nito mula sa pagkakahawak ni Vice. Tumalikod ito at naglakad paalis. Ngunit bago pa man ito makalayo ay hinatak ulit siya ni Vice at niyakap. Nagulat si Karylle sa ginawang iyon ni Vice. Hindi alam ni Karylle ang mararamdaman ng mga oras na yun. Pero isa lang ang alam niya, ramdam niyang namumula na ang kanyang mukha dahil sa sobrang kilig. Lalong humihigpit ang yakap ni Vice sa kanya na tila ayaw siyang pakawalan nito. Hanggang sa naramdaman niyang binitawan siya sa pagkakayap ni Vice. Tinignan siya ni Vice na tila masuyong humihingi ng tawad sa kanyang minamahal. Walang bakas ng kabaklaan at kalambutan si Vice sa titig nito kay Karylle. Hinawakan nito ang kanyang mukha. Pinahid ang luha sa kanyang mga mata na dumaloy hanggang sa kanyang pisngi. Maya-maya pa ay unti-unting lumalapit ang mukha ni Vice sa mukha ni Karylle. Lalong namula ang mukha ni Karylle. Naramdaman niyang dumikit na ang kanilang mga ilong. Tila isang milyong boltahe ang dumaloy sa kanyang buong katawan. Hanggang ramdam na ni Karylle ang mainit pero mabangong hininga ni Vice. Pumikit ito at hinihintay ang pagdampi ng labi ni Vice sa kanyang labi. Ngunit naramdaman niya ang damping iyon sa kanyang noo. (Hopia guys!!!)
Niyakap siya ulit ng mahigpit ni Vice. Hindi man ito nahalikan sa labi ay masaya na siya. Ang alam lang ni Karylle ng mga oras na yun ay may iba itong nararamdaman kay Vice. Kaya masaya na siyang nasa tabi niya lang ito.
"Hindi ko alam kung paano ko itatama ang mga nasabi ko sa'yo. Pero hayaan mo sana akong bumawi sa'yo. Ang alam ko lang ngayon ay importante ka sa akin, Karylle. Sorry talaga.", sabi ni Vice kay Karylle habang yakap siya nito. Nabigla si Karylle sa mga nangyari at sa hindi niya alam na kadahilanan ay tinulak niya si Vice. Tumalikod ito at saka agad na tumakbo ng mabilis. Paglabas niya ng classroom ay nakasalubong niya ang Team Vice.
" Aloha! Karylle! Kumus...",sabi ni Buern na di siya pinansin ni Karylle at tumakbo ng mabilis. Nagkatinginan ang mga beki at nagkibit-balikat.
"Anyare dun teh? Di kaya? World war sila ni meme? Tara at chikahin natin!", sabi naman ni Archie. Sabay pasok sila sa loob ng room kung saan naka-upo si Vice habang nakayuko at hawak ang noo. Nagkatinginan ang mga beki dahil nagtataka sila kung ano ang nangyari kina Karylle at Vice.
" Meme anong nangyari? Bakit parang umiyak si Merlat? Nag-away ba kayo? ", tanong ni Aaron. Nagulat sila ng bigla itong tumayo at pinunasan ang kanyang mga luha.
" Saan siya nagpunta?",tanong ni Vice.
"Wala na.",mabilis na sagot ni Bernard. Hinampas at binatukan siya agad ng mga beki.
" Diretso siya papuntang parking area. Baka hinihintay na siya ng sundo niya.",salo ni Buern kay Bernard.
"Sige. Salamat.", sabi ni Vice at agad itong tumakbo palabas ng classroom upang sundan si Karylle.
" Ikaw talaga! Problemado na nga si Meme! Pasaway ka pa! Dahil dyan! Di ka kakain! Tara tulungan niyo akong bitbitin ang gamit ni Meme!",sabi ni Buern.
"Wala na.", sagot pa din ni Bernard.
Tumakbo si Vice papuntang parking area upang kausapin ulit si Karylle. Tila sinaksak ulit ang puso niya ng makita niyang kasama ni Karylle si Yael. Hawak ni Yael ang gamit ni Karylle habang hinahagod ang likod ng dalaga. Umiiyak si Karylle ng mga oras na iyon. Maglalakad na sana ito para lapitan si Karylle nang biglang dumating ang sasakyan na lulan si Daddy Modesto niya. Nakita niyang nagpakilala si Yael sa Daddy ni Karylle bago sila sumakay ng sasakyan at umalis.
VICE
"Ano bang nangyayari sa'yo Vice? Bakit ka nasasaktan na nakikita mo silang magkasama? Selos na ba ito? Jeskelerd! May gusto na ba talaga ako sa kanya?", sabi ni Vice sa sarili habang nakakuyom ang kanyang mga palad.

BINABASA MO ANG
Vicerylle Story: Bet kita Bekz! Bet kita Merlat!
Romance"Anong sabi mo? Gusto mo ako? Care to explain? Karylle?",tanong ni Vice habang nakapamewang na nakatayo sa likuran ni Karylle. "Gosh! Anong gagawin ko? Naku naman! Ba't ko pa kasi binanggit yun?",bulong niya sa sarili na tila nanigas at di makagalaw...