Confused???

879 28 0
  • Dedicated kay all the readers, who voted and followers
                                    

Nakahiga na si Vice sa kama at tila kinikilig para sa pagkikita ulit nila ni Karylle. Nang biglang...

BabyBoy calling...

Napasapo ng noo si Vice. Doon lang ulit niya naisip na isa pa lang siyang beki. Pusong babae at may boyfriend. Alam niyang dapat niyang harapin na beki siya at wala dapat puwang sa isip at puso niya si Karylle. Pero iba ang pakiramdam niya ngayon. Lito, lutang, magulo ang isip, at di mapakali. In short, CONFUSED. Kaya wala itong nagawa kundi sagutin ang tawag.

"Hello? Oh Baby Boy! Napatawag ka?",tanong ni Vice.

"Hi Baby Girl! Na-miss kita siyempre! Parang di mo ako na-miss? Ayaw mo bang tumawag ako sa'yo?",sabi ng kausap niya sa kabilang linya.

"Hindi Baby Boy! Miss din kita! Pagod lang ako ngayon. Malapit na kasi Foundation Day namin. Busy lang. Pasensiya ka na ha? Kumusta ka?", tanong ni Vice na tila matamlay.

"Okay lang ako Baby Girl ko! Gusto na kitang makita at makasama ulit. Ayos ka lang ba talaga? Parang hindi ka okay. Di bale babawi ako sa'yo. Promise ko yan! Pero surprise yun ha!",lambing ni Baby Boy kay Vice.

" Talaga? Thank you! Pasensiya ka na muna sa ngayon ha? Next time babawi din ako sa'yo. Sa susunod na lang tayo ulit mag-usap? Okay lang ba? Gusto ko na kasing magpahinga.",pakiusap ni Vice.

" Okay lang Baby Girl! Alam kong pagod ka. Babawi talaga ako sa'yo next time! Tatanggalin ko pagod mo! I love you! Good night! See you soon!",sabi nito kay Vice.

"Good night! I-i love you too.", sabi ni Vice. Para siyang nasa ilalim ng dagat at di makahinga sa pakiramdaman niya. Alam niyang hindi tama ang nararamdaman niya kay Karylle. Si Baby Boy ang mundo niya at mahal niya. Tanggap siya nito ng buong-buo. Kaya lang iba ang pakiramdam niya kay Karylle. Gusto niyang alagaan ito, makita araw-araw, marinig ang boses niya, mga ngiti niya at mga titig nito na tila tumutunaw sa malamig niyang mundo. Walang nagawa si Vice kundi tanggapin ang dapat gawin at itama ang nangyayari sa kanya. Pumikit na lang si Vice hanggang sa makatulog na.

KARYLLE

" Beki ba talaga siya? Iba yung mga titig niya sa akin? Nakakainis! Para akong shunga! Obvious naman na beki yun! Kilos, pananalita, pananamit at ugali! Haaayy! Lalong kumukulot buhok ko! Ano ba ito!",sabi ni Karylle sa sarili habang ginugulo ang kanyang buhok dahil sa kalituhan. Hanggang sa may bigla itong naalala.

"Teka? Nananaginip ba akong hinalikan ako ni Vice sa lips ako sasakyan kanina? Bakit parang totoo? Naku naman! Ano na bang nangyayari sa'yo Ana Karylle Tatlonghari? Hindi na tama ito!", sabi nito habang palakad-lakad sa kwarto niya at nagsasalita. Bigla niyang kinuha cellphone niya.

" Tapos nagtetext ka pa! Lalo lang akong kinikilig sa'yo! Tomboy na ata ako! Beki pa type ko! Sus! Maryosep! Mahabaging Inang Maria! Dadasalan ko na lahat ng santo! Masagot lang ang nararamdaman ko! Dios ko!",dagdag ni Karylle sa sobrang pagkalito.

..nang may biglang kumatok

"Ay! Kabayong bakla! Ah.. ehh.. Sino yan? Bukas yan.", sagot nito habang sapo ang dibdib sa pagkagulat. Bumukas ang pintuan at si Mommy Zsazsa pala ito.

" Anak ayos ka lang ba? Pasensiya ka na kung naistorbo ata kita? May itatanong lang sana ako.",sabi ng ina nito.

"Opo Mommy. Ayos lang po ako. Pasok po kayo. Ano po yun?", sagot niya at umupo sa kama.

" Mabait kasi si Vice anak. Okay lang bang bigyan natin siya ng cream puff? May ginawa ako. Baunin mo bukas at bigyan mo na din siya sana? Pasasalamat lang natin sa kanya. Sana lang anak magustuhan niya.",tanong ng ina.

"Sige po Mommy. Tutal kakain po kami ng sabay ng lunch bukas. Iabot ko po sa kanya at sabihin kong special mong ginawa yun para lang sa kanya. Hahaha! Wow ha! Swerte niya at ginawan mo po siya ng cream puff! Hmmmp!",tampo ni Karylle.

Vicerylle Story: Bet kita Bekz! Bet kita Merlat!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon