Naku! Lagot!

1.2K 34 1
                                    

Patuloy na naiinis si Vice kay Karylle dahil hindi pa rin siya sumasagot sa kanya. Tinitignan niya lang ito.

"Talaga bang mang-iinis ang pakay mo sa paaralang ito at gusto mong sirain ang buong araw ko? Wala ka bang balak sumagot?",tanong nito sa kanya. At hindi pa rin siya nagsasalita.

Flashback

Paglabas ng opisina ni Mam Reyes nina Vice at Karylle ay nagsimula ng magsalita si Vice tulad ng utos sa kanya.

"Ok! Una sa lahat, makinig ka muna sa akin at wag kang magsasalita hanggat hindi ko sinasabi. Ikalawa, dapat isaulo mo lahat ng lugar dito at maging ang mga guro. Ikatlo, dapat handa ka sa exam na ibibigay ko agad mamaya. Maliwanag?",tanong ni Vice kay Karylle. Tumango naman siya bilang tugon. Kaya nagpatuloy na silang maglibot.

End of flashback

Dahil hindi pa rin nagsasalita si Karylle ay nagtaka na si Vice sa kanya. Doon niya naalala ang sinabi nitong wag siyang magsasalita hanggat di nya sinasabi. Kaya naman agad niya itong sinabihan na magsalita na.

"Kaloka ka! Dumarami ang wrinkles ko sayo! Porke sinabi kong wag kang magsalita kanina eh hindi kana kikibo dyan. Magsalita ka na nga!",utos ni Vice kay Karylle habang hawak ang kanyang noo at hinahagod sa likuran ni Buern.

"Salamat naman. Akala ko pati paghinga eh bawal sa school nyo. Sumunod lang ako sa utos mo kaya pasensya na. Yun lang ba lahat gagawin natin? Gusto ko nang mag-exam at para makauwi na ako. Saan ako mag-eexam?",tugon ni Karylle habang ang mukha nya ay tila naiinip na.

Hinawakan ni Vice ang kanyang batok dahil sa sobrang inis nya. Kasabay nito ay dumating ang grupong showtime ni Vice na sina Billy, Vhong, Anne, Jugs, Teddy, at Jhong. Kasama din nila ang girlfriend ni Billy na si Coleen at ang mga kaklase niyang sina Eric at Ryan.

"Kuys! Anong problema mo? Dinig ang ngawa mo dun pa lang sa labas ah.",tanong ni Billy habang kaakbay si Coleen.

"Oo nga girl. Daig mo pa ang pag birit ko sa lakas ng boses mo.",dagdag ni Anne.

"Atleast galit si Vice. Ikaw trip mo lang talaga ang pag ngawa Anne. Peace!",asar ni Vhong kay Anne sabay hampas niya sa kanyang braso.

"Buti at dumating kayo. Gusto ko pa lang ipakilala sa inyo si Ms. Ana Karylle Tatlonghari. Our new student. Bilang presidente, trabaho kong i-guide siya dito sa school pero may lahi yata siyang bruha at sinisira ang araw ko. Dahil maganda tayong ihemplo dito sa school bigyan naman natin siya ng warm welcome di ba guys?",hudyat ni Vice sa kanila na tila may binabalak.

"Buern asan ang team Vice? Pakitawag sila para mabigyan ng masarap na meryenda si Ms. Tatlonghari. Halika? Dito tayo maupo. Guys join us!",utos ni Vice habang pinapaupo si Karylle.

"Hi! Ako nga pala si Jhong Hilardo. Nice to meet you! Sana maging klasmeyt tayo. Welcome pala.",pakilala ni Jhong kay Karylle.

"I'm Ana Karylle Tatlonghari. Sana nga kasi di ko pa alam section ko eh. Graduating ka na rin pala. Nice to meet you too!",sagot ni Karylle at nakipagkamay.

"Vhong Navallo pala. Klasmeyt ko sina Jhong, Billy at Anne. Si Vice lang ang nahiwalay. Sa special section yan eh. Alam mo naman pag genius may special treatment. Dun ka na lang sa section namin. Enjoy sa min! Promise!",dagdag ni Vhong habang nakataas ang kanang kamay.

"By the way, I'm Anne Kurtis. Kung fashion trend ang hanap mo. Just tell me girl! Magkakasundo tayo. In-fairness sayo, cute and simple ang taste mo. I like that!",sabi ni Anne.

"Billy Crewford. Simply Billy is ok. And this is my girlfriend Coleen. Welcome Karylle!",singit ni Billy.

"Nice to meet you all guys! Buti pa kayo maganda ang approach. Pwera nga lang yung isa dito. Masaya akong makilala kayo. Sana maging friends ko kayo.",nakangiting tugon ni Karylle.

Samantala, dumating na ang team Vice dala ang isang tray ng pagkapin.

"Meme eto na yung request mo. Para kanino ba yan?",tanong ni Archie sabay abot ng tray.

"Oo nga meme! Nalagyan na rin namin ng mm....",sagot ni Aaron sabay takip ng bibig nya ni Buern.

"Last na yan. Wala na.",singit naman ni Bernard.

"Wag kayong ano dyan! Para kay Ms. Tatlonghari ito dahil bago siya dito. Heto oh? Magmeryenda ka muna. Masarap yan! Wala ng exam. So, don't worry about it. Okay na lahat. You can go back to the office of Mam Reyes after you eat. Ubusin mo ha?",sabi ni Vice na may kakaibang ngiti sa labi.

"Kung inaakala mong papalagpasin ko yun ng ganun-ganun na lang. Pwes! Nagkakamali ka. Eto na umpisa ng memorable experience mo dito. Welcome Ms. Ana Karylle Tatlonghari!",sabi ni Vice sa loob-loob niya.

Naku! Ano kayang ginawa ni Vice kay Karylle? Tsk! tsk! tsk! Kawawang Karylle.
Guys don't forget to vote,leave a comment or give me suggestions. If you have requests, please tell niyo lang po.

.....NEXT PART NA!!!

Vicerylle Story: Bet kita Bekz! Bet kita Merlat!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon