Kasalukuyang nasa biyahe papuntang probinsya sina Karylle at Vice para sa outreach program nila. Mahimbing ang tulog ni Karylle habang nakaunan ang kanyang ulo sa lap ni Vice. Si Vice naman ay minamasdan lang ng magandang mukha ng dalaga habang mahimbing ang tulog nito. Tila isang anghel na natutulog ang kanyang nakikita.
"Hmmm...",ungol ni Karylle saka unti-unting nagdilat ng kanyang mata.
"K? Ba't nagising kana? Tulog ka pa. Malayu-layo pa naman tayo eh.",tanong ni Vice. Bumangon si Karylle saka umupo at niyakap si Vice.
"Mmmm... Gutom na kasi ako eh.",sabi ni Karylle sabay ngiti nito.
"Ganun ba? Sige tingin tayo ng malapit na pwede nating pagkainan. Ahm... Kuya Ramon? Hanap po muna tayo ng pwede nating pagkainan.",sabi ni Vice.
"Opo.",sagot naman ni Vice.
Nakakita sila ng Jollibee kaya dun nila naisipang kumain. Masaya silang kumain kasama si Kuya Ramon. Matapos nilang kumain ay nagbiyahe ulit sila. Mahigit sa isang oras ay nakarating sila sa event ng outreach program. Nadatnan nila doon ang Grupong Showtime at Team Vice.
"Andito na ang lovebirds! Woohoo! Ba't antagal nyo? Okay ka lang Karylle?",sabi ni Anne. Tumango lang si Karylle.
"Nakita kasi namin si Jon. Kaya nag-away kami. Pinatikiman ko lang naman siya ng suntok.",sabi ni Vice.
"Ano?!? Talaga naman! Si Karylle? Ayos ka lang ba?",sabi ni Jhong.
"Ayos lang ako Jhong. Salamat.",sagot ni Karylle.
"Anyway, kalimutan muna natin yan. Kailangan nating mapasaya ang mga tao dito. Kaya dapat makita nilang masaya tayo di ba?",sabi ni Vice.
"Korek! Girls? Gora!",sabay-sabay na sabi ng mga beki.
Nakita ni Vice na natahimik bigla si Karylle. Nakatayo ito na tila malalim ang iniisip.
"K? Ayos ka lang ba? May problema ba?",tanong ni Vice.
"Oo. Okay lang ako. May naalala lang ako sa lugar na ito. Lalo na sa gumamela na yun oh!",sagot ni Karylle sabay turo sa mayabong na halaman ng gumamela.
Tumingin si Vice sa itinuro ni Karylle. Hindi din niya naiwasang mapangiti sa naalala niya sa lugar na iyon.
"Hmmm? Nagiging senti ang Misis ko ah? Hahaha... Mamaya tambay tayo dun. Sa ngayon, kailangan nating magpasaya ng mga bata.",sabi ni Vice.
Tumango naman si Karylle saka humawak sa kamay ni Vice at naglakad patungo sa kumpol na mga bata. Nag-umpisa na sa palaro ang mga ito. Tawanan dito, tawanan doon, asaran dito at asaran doon. Lahat ay may kanya-kanyang grupo para magabayan sa palaro ang mga bata. Matapos ng nakakapagod na palaro ay isang masayang kainan naman ang sumunod. Masaya si Vice na nakikita niyang nag-eenjoy sa ginagawa niya ang kasintahan. Matapos noon ay kanya-kanyang performance sa bawat grupo ang inihandog nila sa mga bata at sa iba pang naroroon. Sina Vhong, Billy at Jhong ay sumayaw. Sina Anne at Coleen naman ay kumanta. Sina Jugs at Teddy ay kumanta ng mga acoustic songs. Samantalang, sina Ryan, Eric at kasama ang Team Vice ay nagpatawa.
Nang matapos na ang lahat sa event na iyon ay kanya-kanya na sila nang mga moment nila para sa ilang oras na lang nila doon. Walang oras na sinayang sina Karylle at Vice para balikan ang mga alaala nilang dalawa nung maliit pa sila kung saan sila unang nagkakilala.
"May naiiyak na naman dito kasi may naaalala siya.",sabi ni Vice sabay tingin kay Karylle.
"Hmmm? Kasi naman eh! Paanong hindi ako maiiyak? Eh andito tayo sa lugar na pinaka-importante sa atin. Kung saan tayo unang nagkita at kung saan mo ako pinangakuhan na magiging asawa mo ako. Hmmp!",sagot na nagtampo na si Karylle.
BINABASA MO ANG
Vicerylle Story: Bet kita Bekz! Bet kita Merlat!
Romance"Anong sabi mo? Gusto mo ako? Care to explain? Karylle?",tanong ni Vice habang nakapamewang na nakatayo sa likuran ni Karylle. "Gosh! Anong gagawin ko? Naku naman! Ba't ko pa kasi binanggit yun?",bulong niya sa sarili na tila nanigas at di makagalaw...