After 2 years….
June 7 – 2:00 pm
“Whoo ang haba naman ng pila dito!” grabe napaka ingay talaga nitong kapatid ko. Ah, nandito nga pala kami sa school naming para mag enroll last day na kasi nakalimutan naming mag enroll ng maaga kasi kala ko next week pa ang pasukan. Masyado kasi ako nag enjoy sa bakasyon, nakalimutan ko na may pasok natatawa na lang ako sa amin magkapatid. Kumuha na ako ng schedule para sa 1ST semester, naku po ang dami ko pa lang subject sana may available pa na slot para sa akin. Pumunta na ako sa faculty para ipaayos lahat, umupo muna ako sa isang corner para maghintay. Makalipas ang ilang minuto, “Ms.Bettina Adriano.” Lumapit ako para kunin na ang schedule nang biglang …
“Bettina, wala na pala slot na 1:00 – 3:00 sa History class, ang meron na lang is 6:00-9:00pm, gusto mo ba itake ito?”
Haaaaah? Grabe Ohmygoshwhattheheck na lang nasabi ko sa isip ko, paano ba naman kasi ang layo ng bahay naming at delikado pa pag gabi na umuuwi. So ang magiging schedule ko pala ay 8:00am-9:00pm, ayos talaga naman oh! Pero naisip ko din na sayang naman yung subject kung hindi ko pa kukunin.
“Ms.Bettina …. BETTINA!” Aray makasigaw naman to.
“Kukunin mo ba ang subject na ito?”
“Ah hehe. Sge po kunin ko na lang.” Sabay napakamot na lang ako ng ulo. Wala ako magagawa yun na lang kasi available na time para sa subject na yun. Haay wish ko lang hindi boring ang subject.
![](https://img.wattpad.com/cover/33787552-288-k24476.jpg)
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang
Teen FictionTypical na storya pero umaasa ako na ituturing nyo itong espesyal. Ang nais ko ay magpasaya at maghatid ng kaalaman tungkol sa istoryang iyong matutunghayan. Ito ang unang storya na nabuo ko kaya masaya akong ibabahagi ito para sa Wattpad readers. I...