July 26 – 9:00 pm
Tapos na ang last subject naming at umuulan ng napaka lakas sa labas. Oo nga pala may bagyo ngayon. Nakalimutan ko magdala ng payong, shunga ever naman ako. Nauna na ako umalis, mukhang hindi naman sasabay si Kanier baka may ibang pupuntahan pa yun.
Sumilong muna ako nang makakita ako ng classmate ko na may payong.
“Uy Dara! Pwede pasabay? Wala kasi ako dala payong.”
“Oo naman Bettina. Tara!”
“Salamat!” :”>
Habang naglalakad kami ay lalo lumakas ang ulan. Naalala ko yung sapatos ko ayaw ko nababasa naiinis ako pag ganun, kaya binagalan na lang naming ang paglalakad.Salamat naman at nakatawid kami ng maayos papunta sa terminal ng jeep.
Hinihintay ko na lang si Dara na kumuha ng ticket. Buti na lang ay sasabay sya sa akin sa pag uwi. Hindi sa kalayuan may naririnig ako na tumatawag sa akin.
“Bettina! Bettina! Bettina!”
“Oh bakit George?”
“Si Kanier pala nandun pa sa school. Hinahanap ka nya kaso bigla ka nawala, sisilong sana sya sa payong ko kaso kasama ko tong gf ko eh. Nagpaiwan na lang sya dun.”
Hala! Kawawa naman si Kanier. Kala ko kasi hindi sya sasabay. Paano kaya gagawin ko? Pupuntahan ko ba sya? Eh super lakas na ng ulan.
“Dara, puntahan mo na lang kaya si Kanier duon? May dala kasi akong mga gamit.”
“Eh Bettina, hindi kami close. Ayaw ko ikaw na lang. Sorry.”
“Ah ganun ba? Okay sige ako na lang. Pakihawak na lang tong gamit ko, kawawa ka si Kanier duon.”
“Okay sge. Hintayin ko na lang kayo dito.”
Naglalakad na ako pabalik sa school, wala na ako paki elam kung basa na tong sapatos ko dahil sa lakas ng ulan. Nandun pa kaya sya? Baka naman wala na sya duon? First time ko tong gagawin ko na mag effort sa isang lalaki. Hindi ko akalain na gagawin ko to. Nandito na ako sa pedestrian lane para tumawid papunta sa school, pero bago muna yun tinawagan ko ang phone nya para makasigurado na nandun pa sya.
*Kring kring kring kring kring*
“Hello Bettina.”
“Kanier, sunduin kita may dala ako na payong. Tawid kana dito.”
“Eh Bettina, ikaw na lang kasi mababasa ako wala ako payong.”
“Wow hah. Hiyang hiya naman ako sa iyo.”
“Hahaha! Thank you Bettina.”
“Ewan ko sayo.”
“Ay sg..” CALL ENDED
Binaba ko na ang phone kaso parang may sinasabi pa si Kanier. Tawagan ko kaya uli? Eh mamaya na lang pwede naman nya sabihin mamaya. Patawid na ako nasa gitna na ako ng pedestrian lane ng biglang..
“Hi Bettinaaaa!”
Si Kanier nagkasalisi kami at parehas pa kami nasa gitna ng daan ngayon ng biglang …
BEEEEEEEEEEEEEEEEEEP. BEEEEEEEEEEEEP.

BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang
Novela JuvenilTypical na storya pero umaasa ako na ituturing nyo itong espesyal. Ang nais ko ay magpasaya at maghatid ng kaalaman tungkol sa istoryang iyong matutunghayan. Ito ang unang storya na nabuo ko kaya masaya akong ibabahagi ito para sa Wattpad readers. I...