June 11 – 6:10 pm
Whoo ang saya talaga ng subject na to. So far na eenjoy ko sya kasi ang saya kasama ng mga kaibigan ko at samahan mo pa na full package na Professor, in short #Happiness!
Tinatawag na kami isa-isa for attendance. May bago dating maybe late enrollee sya.
“Kanier Lee, akin na yung blue form mo para maregister na kita dito sa klase.” sabi ni Sir Borgy.
Tumingin ako ng makita sya, okay naman may tsura katanggap tanggap sa lipunan pero hindi ko type.
“Ay taray. Gwapo ng classmate natin, bet mo ba Bettina?” tanong ni Lulu habang nakatingin sa akin.
“Sisterett wag mo tanungin yan alam ko na sasabihin nyan HINDI KO YAN TYPE. Oh diba tama ko Bets?” Ang talino talaga nito ni Adam nababasa nya isip ko.
“Malamang tibo yan si Bettina wala kayo aasahan dyan.” Aray ko bigla naman ako nagulat sa sinabi nitong paminta na si Jason.
“Makinig na lang tayo sa lesson. Focus guys.” Masyado na nila ako iniintriga, tinignan ko naman si new classmate. Matangkad, chinky eyes, maputi, red lips at huggable este ok naman yung katawan nya hindi masyadong maskulado or payatot. Naku pinag nanasaan ko na ata to. “Focus Bettina, focus.” Nasabi ko na lang sa sarili ko.

BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang
Teen FictionTypical na storya pero umaasa ako na ituturing nyo itong espesyal. Ang nais ko ay magpasaya at maghatid ng kaalaman tungkol sa istoryang iyong matutunghayan. Ito ang unang storya na nabuo ko kaya masaya akong ibabahagi ito para sa Wattpad readers. I...