July 20 – 6:00 pm
.
Lumipas ang mga linggo napapansin ko na nagiging close na kami sa isa’t-isa ni Kanier. Nag shashare sa akin ng mga bagay-bagay na hindi nya kaya sabihin sa iba. Unti unti ko na syang lubos na nakikilala. Kung ikaw hindi mo sya kilala, mapapagkamalan mo syang MAYABANG, MAHANGIN, ANTIPATIKO at MAYABANG pa din. (Hahaha!) Habang nakikipag usap sa kanya hindi ko maiwasan na titigan sya, napansin ko na singkit din pala sya, tamang tama lang ang ilong pati siguro ung lips--kissable (hindi ko sya pinag-nanasaan ah!). Matangkad at hindi payatot at sobrang macho. Kung boyfriend ko to baka nag back hug na ako sa kanya haha.
Hah? Ano sinabe ko? Pag nagging boyfriend ko? Nako Bettina! Erase erase. Ang bango din pala ni Kanier! Parang baby yung amoy nya, tapos ang cute pa pag nag smile. Haaaaay -____-“
Nalaman ko na wala na din sya tatay. Parehas pala kami, kung sa akin ang papakita ng pagiging boyish ang defense mechanism ko, sa kanya pala ay ang pagiging mayabang at antipatiko nya. Malayo ang impression ko sa kanya nung una ng impression ko sa kanya ngayon. Habang nag kwekwento sya sa kanyang mga nakakalungkot na karanasan, at that moment gusto ko sya i-hug at i-comfort sa lahat ng lungkot na nararamdaman nya. Sana nga magawa ko yun para naman kahit papano maramdaman nya na hindi sya nag iisa.
July 20 – 11:30 pm
Nandito na ako sa kama ko para matulog pero hindi ko pa rin maiwasan na isipin lahat ng pinag usapan namin ni Kanier. Bakit ganun? Madalas ko na sya iniisip, kapag nakikita ko sya lumalakas ang kabog na nagmumula sa dibdib ko. Posible kaya? Posible kaya na inlove ako sa kanya? Hindi. Ayoko ma inlove kaibigan lang kami. Pipigilan ko to habang maaga pa.
July 25 – 6:00 pm
Huling subject na! Yes excited na ako. Naglalakad na ako papuntang room namin naalala ko yung sinabe sa akin ng kapatid ko kahapon.
FLASHBACK:
“Grace, paano ba malalaman kung inlove ka na? Bukod sa tambol thingy and lagi iniisip.”
“Bakit Ate Bets? Inlove ka na? Babae ka pala? Hahaha.”
“Tange. Babae naman talaga ako.”
“Ate Bettina? Totoo ba to? Inlove ka? Kanino? Sino? Saan nakatira? Ano gwapo o panget? Ilang taon? Saan nag aaral?”
“ANO BA!! Teka nga lang hindi mo sinasagot yung tanong ko dami mo na tanong.”
“Masaya lang ako Ate kasi inlove kana ulit. Kala ko magiging OLD MAID kana eh. Kwento mo muna sa akin yang lalake nay an para malaman ko na din. Hihi ^__^”
Sa madaling salita kinuwento ko na si Kanier sa kapatid ko, sobrang tuwang tuwa sya kasi ngayon na lag ako nag kaganito ulit.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang
Novela JuvenilTypical na storya pero umaasa ako na ituturing nyo itong espesyal. Ang nais ko ay magpasaya at maghatid ng kaalaman tungkol sa istoryang iyong matutunghayan. Ito ang unang storya na nabuo ko kaya masaya akong ibabahagi ito para sa Wattpad readers. I...