Saan nga ba magsisimula?

21 2 0
                                    

Madami ang nag sasabi na parang tibo daw ako kumilos, at madami na din ang nagtatanong kung isa akong tomboy. Haaaay siguro nga tama sila dun sa tibo ako kumilos pero dun sa isa akong tomboy medyo hindi ko ata tanggap yun. Hindi naman ako ganito dati, sa katotohanan nga ay napaka girly ko dati. Yung tipong make up dito, suot ng mga kikay na damit at masasabi ko na din na madami ang nangliligaw sakin noon. Lahat ng gugustuhin kong lalaki ay nakukuha ko, DATI nga lang. "Black sheep" ako sa pamilya namin, nagrebelde ako kasi hindi ko na kaya ang pagiging mahigpit sa akin ni Mama at Papa lagi na lang nila gusto na perfect ang lahat ng gagawin ko. Simula noong ipinanganak ako tutok na ako sa pag-aaral palagi ako Valedictorian sa iba't-ibang private schools na nililipatan ko, masasabi ko din na talented ako sa lahat ng bagay at sinisugurado ko na lahat na bagay na gagawin ko ay tama. Pag tapak ko sa pagiging 3rd year High school nakakilala ako ng mga kaibigan-mga inakala kong tunay na kaibigan. Natuto ako uminom ng alak pero hindi ako nagtry na manigirilyo, naranasan ko din mag cutting sa klase, kaliwa't kanan na pakikipag relasyon sa mga lalaki, pananagot sa mga magulang at pagiging tamad sa pag-aaral. Nagtanim ako ng sama ng loob sa Papa ko dahil sa mga sinasabi nya sa akin hanggang sa nasasaktan na nila ako ni mama, Physically. Alam ko na nag rerebelde ako pero ano magagawa ko duon ako masaya.

Dumating ang panahon na nagka sakit si Papa ng malubha, nung una hindi ko pinapansin ito kasi akala ko nagkukunware sya para lang mapansin ko sya. Sinusubukan nya na maging malapit sa akin, sinasabi nya na mahal na mahal nya kami ng kapatid ko sinasabayan nya pa ito ng mahigpit na yakap pero hindi pa din ako naniniwala kasi malaki ang sugat dito sa puso ko. Napapadalas na ang pag punta ni Papa sa ospital gusto ko sana pumunta kaso walang magbabantay sa kapatid ko. Isang beses lang ako nakapunta nun at niyakap ko sya, nakipag selfie pa nga ako sa kanya eh kasi alam ko na okay na sya. Lumipas ang mga araw hindi pa din sila umuuwi nila Mama, dumating ang Pasko, first time naming magkapatid na wala kaming handa at natulog lang kami ganun din ang nangyari noong December 30, hindi pa rin kami magkakasama. Hanggang sa sinundo na ako ng Tita ko bisitahin daw namin magkapatid si Papa habang nasa biyahe kami nakaramdam na ako ng kaba. Hindi ko alam bakit ganun ang aking nararamdaman, nakarating na kami sa ospital kasama ang kapatid at tita ko hindi kami pinapasok agad dahil mahigpit ang seguridad kailangan isa lang daw muna ang bibisita.

Nakasakay na ako sa elevator at pinindot ko na saang floor naka admit si Papa, excited ako makita sya pero sadyang hindi mawala ang kaba sa puso ko. Pag nakita ko siya yayakapin ko syang na mahigpit at sasabihin ko na mahal na mahal ko sya. Pagbukas ng pinto ng elevator, pumunta ako sa lobby kung saan nandun ang mga tito at tita ko. Lumapit ako pinsan ko sakin, "Bettina! Patay na ang papa mo..."Hindi ako naniwala sa kanya nag jojoke lang siguro sya, tumakbo ako papuntang ICU, nakita ko si Papa na pinupump na lang ng doctor, nakita ko din ang mama ko na humahagulgul ng iyak. Lumapit ako sa papa ko, "Papa, gising na nandito na ako nandito na kami ni Grace oh. Kala ko ba okay ka na?" Hindi ko napigilan na hindi umiyak wala na ako pakielam sa mga tao sa paligid. Nakita ko na dumating na ang kapatid ko, ginigising nya si Papa. Nakita ko may luha na pumapatak sa mga mata ng Papa ko possible pa kaya na maka survive sya? Hanggang sa dineclare na ng Doctor na wala na si Papa, sadyang Sorry na lang at I love you ang nasabi ko. Akala ko'y nasa panaginip pa lang, nakasakay ako sa MRT para pumunta sa paglalamayan na chapel ni Papa wala na akong pakielam sa mga nakatingin sa akin. Simula sa araw na iyon, Tinatak ko sa puso at isipan ko na magbabago na ako, hindi na ako katulad ng dati, kailangan ko maging matatag at matigas ang damdamin pagkatapos ng matinding dagok sa buhay kong ito.

Sana Ako Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon