September 18 – 9:00 am
Nandito ako ngayon sa classroom namin para sa Humanities subject ko. Ang dami pinapagawa ni Prof sana ay ma keri ko to.
“Okay Class! Kailangan nyo na matapos ang short story na ginagawa nyo because that will serve as your project for this Finals.”
“Yes Ma’am!”
Naisip ko yung storya na ginagawa ko tungkol iyon sa buhay ko at sa amin ni Kanier ang title nya ay #FRIENZONED malapit ko na sya matapos kaso wala akong maisip sa ending para sa final chapter. Ano kaya magandang ending? Pasahan pa naman next week. Haaaay sana ay matapos ko na.
Pumunta ako ng library para tapusin na ang short story na ginagawa ko pero wala pa din ako maisip na magandang ending! Haaay help me Lord please! Naisip ko muna na ipa-print ang mga naunang pages para pag may naisip na ako na ending ay iyon na lang ang iprprint ko. Lumapit ako sa librarian para humingi ng tulong.
“Hi Miss, pa print naman itong file ko balikan ko mamaya.”
“Okay sige.”
“Salamat.”
Dinala ko na ang laptop ko at lumabas na sa library para pumasok sa susunod ko na klase.
10:00 pm
Grabe kapagod talaga itong araw na ito. Paano kasi ang dami ko ginawa sa school nagquiz, nag exam, tumula, sumayaw at yung short story ko .. Wait oo nga pala ang short story ko! Naku sana naprint ng maayos ng Librarian babalikan ko na lang siguro bukas. Tama bukas na lang.
September 19 – 7:15 am
Pag pasok ko sa school tumakbo na agad ako papunta sa Library at nakita ko yung librarian sa akin para maprint iyon.
“Excuse me, Hi Miss ako nga pala yung nag pa print sa iyo kahapon. Nasan nga pala yung document? Okay na ba?”
“Ay sorry Miss Bettina, iniwan ko kasi sa assistant ko pero itetext ko sya magkita kayo sa Room 102 kasi estudyante din sya duon ang next class nya.”
“Ah ganun ba? Okay po sige salamat hintayin ko na lang po sya duon.”
Bumaba ako ng mabilis sa 1ST floor para pumunta sa Room 102, wala pang tao masyado ata ako maaga.Umidlip muna ako sa desk, ng mamaya maya may kumalabit sa akin. Kinusot kusot ko ang mata ko at sya na ata ang binabanggit ng Librarian.
“Hi Miss Bettina, heto nga pala yung mga pina print mo. Complete na yan.”
OMG. Nilakihan ko yung mata ko at nakakita ako ng isang gwapo na nilalang.
“Hi! Sige salamat hah.”
Ang gwapo nya lang shet! Matangkad, singkit, kissable lips at may biceps pa <3 Habang tinititigan ko sya at bigla ng dumating na ang mga classmates nya. Sayang naman oh sinusuri ko pa nga ang napakagandang creation ni God tapos panira naman tong mga classmates nya magsstart na kasi yung klase. Patigilin ko mga klase nila eh!
“Ay Miss Bettina, mag start na pala yung class namin. Sige I hope na matapos mo na ang story na ginagawa mo. Sige see you around!”
“Ok. Sige bye..”
Huhu nakakaiyak lumabas na ako ng classroom nila hindi ko man lang natanong kung ano ang pangalan nya. Ang sabi nya see you around ibig sabihin magkikita pa kami! Kyaaaaah! Pero ano yung una nya sinabi?
“Sige I hope na matapos mo na ang story na ginagawa mo.”
OMG!! Binasa nya yung story ko?! Nakakahiya grabe hindi na ako magpapakita duon. Takbo takbo takbo. Habang tumatakbo at tumigil muna ako dahil biglang tumunog ang phone ko at nakakita ako ng text galing sa isang Unknown number.
+6390678912856: Hi Bettina. Sorry nga pala binasa ko yung story mo mahilig kasi ako mag basa ng mga story sana mapatawad mo pa ako. Nakuha ko pala yung number mo kasi binigay ng Librarian para itext ka about dun sa pagpapaprint mo kaso maaga ka pala dumating so sinabi nya na pala sayo kung anong classroom ko. Sana matapos mo na yung story mo at sana maging friends tayo kasi I would like to. Btw, it’s LUIGI.
Haha masaya kong sinave ang number ni Luigi. Mukhang may maisusulat na ako sa FINAL CHAPTER ng short story ko.
-------------------------------- THE END ---------------------------------
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang
Teen FictionTypical na storya pero umaasa ako na ituturing nyo itong espesyal. Ang nais ko ay magpasaya at maghatid ng kaalaman tungkol sa istoryang iyong matutunghayan. Ito ang unang storya na nabuo ko kaya masaya akong ibabahagi ito para sa Wattpad readers. I...