June 9 – 6:00 pm
Hay salamat natapos na ang 4 ko na subject at last subject na. Madami na ako gwapo nakita, ayos to may inspiration. Madami na ako friends pang 2nd year ko na kasi sa kolehiyo. Masaya naman sa buhay ko ngayon nalilimutan na rin ang mga masisilamuot na karanasan dati at ito nag sisimula na ng bagong buhay. Pero sadyang may kulang lang talaga, sa ngayon hindi ko pa alam sana nga makita ko na.
“Hahahahaha kakaloka may nakita ako classmate natin mukhang tindera.”
“Oo nga tindera sa Divisoria hahaha.”
Ayan mga kaibigan ko mga manlalait talaga mga yan natatawa na lang ako kasi iba din magkulitan itong mga abnormal na ito pero thankful pa din ako kasi nandyan sila para magpasaya sa akin. Kaya lang naboboring na ako sobrang tagal ng Professor naming mga 30 minutes na late.
“Guys kapag hindi pa dumating ngayon yung Professor natin. Uuwi na ako nababagot na ako eh.” Sabi ko.
“Chill ka lang dyan Bets! Pero infairness ang tagal nga gugutom na ako. Kakaloka!” yan si Adam bakla yan hindi sya tanggap sa kanila pero super talino. Mahahambing ko sya kay Albert Einstein hahaha.
Tumayo na ako at kinuha ko na ang bag ko ng biglang …
“Hi students! Sorry I’m late. Ako nga pala si Sir Borgy Andrade, ang magiging professor nyo this semester for History class.”
“I change my mind.” Haha naupo na lang ako sa kinaupuan ko kasi naman ang gwapo ng Professor namin. Hehe (evil laugh) kala ko magiging boring subject na ito.
“Crush ko na si Sir ang gwapo nya uber, ang lakas ng dating. Shet!” ayan si malanding Lulu, half-Chinese at half-Pinoy.
“Bettina, pahiram nga ako ng phone pipicturan ko lang ung notes ni Sir sa whiteboard.” Yan naman si Jason, bakla din sya kaso kapag inaasar na bakla biglang nanununtok. Guilty ata hahaha. Naku if I know hindi naman yung notes ang pipicturan nya kundi ung prof namin.
Natapos na ang klase at salamat naman makakauwi na ako. Sakit sa puso ako lang mag isa uuwi huhu. Pagkasakay ko ng jeep may nakita ang na mag jowang halos maglampungan na kulang na lang siguro ang higaan haha. Halos lahat ng tao dito sa jeep ay may kasama at magjojowa pa, samantala ako nag iisa at nilalamig sa simoy ng hangin. Nanadya ata talaga ang tadhana para bang nangiinggit lang. Porkit ba 2 years na ako walang lovelife? Kung iisipin din, ang tagal na wala ako boyfriend pero okay lang masaya naman ako.
___________________________________________________________________________________________
Author's Note:
Hi sa mga reader! Oo ang lame ng kwento. HAHA! Basta may ending to sigurado na. Osya, goodnight!
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang
Fiksi RemajaTypical na storya pero umaasa ako na ituturing nyo itong espesyal. Ang nais ko ay magpasaya at maghatid ng kaalaman tungkol sa istoryang iyong matutunghayan. Ito ang unang storya na nabuo ko kaya masaya akong ibabahagi ito para sa Wattpad readers. I...