Chapter Eight

24 0 0
                                    

BEEEEEEEEEEEEEEEEEEP. BEEEEEEEEEEEEP

Muntik na kami masagasaan ng isang kotse buti na lang at tumigil to at naabot ko agad ang kamay ko kay Kanier para hatakin sya.

“Nagpapakamatay ba kayo?! Mga gago!!” Sabi sa amin ng driver ng isang kotse.

“Gago ka din!” sagot ni Kanier

Umalis na ang kotse at pinaharurot ang makina nito. Samantala ako naiwan na tulala. Hindi pa rin ako makapag salita dahil sa nang yari.

“Grabe Bettina! Muntik na tayo dun!!”

Patuloy pa din ang lakas ng ulan. Parehas na kami na mukhang basang sisiw. Medyo nainis ako.

“Baliw ka ba Kanier?! Bakit mo ako sinalubong di ba sabi ko ako pupunta sayo? Paano kung natuluyan tayo?”

“Eh hindi mo ba narinig yung sinabi ko kanina? Sabi ko Ay sige ako na pupunta sayo kasi nahihiya ako bilang lalaki.”

“Buti na lang hindi tayo natuluyan. First time to mangyari sa buong buhay ko hah!”

“Hahaha ayaw mo yun kasama mo pa ako nung nangyari yun at least ang memorable di ba?”

Paulit ulit na ninireregister sa utak ko yung mga sinabi nya. Oo tama kasama ko sya, narealize ko na lang sa sarili ko na sobra ako nag aalala sa kanya.

“Pero Bettina, sobrang thank you ah kasi kung hindi mo ako sinundo baka hanggang ngayon hindi pa ako nakaalis sa school.”

“Oo na sge basta next time ingat na lang sa pagtawid tawid.”

“Hahaha sige sige!”

July 27 – 7:30 pm

Habang nagsasagot kami ng Activity naming sa book kinausap ako ni Kanier.

“Bettina, nagkakagusto na ako sa isang girl.”

“Oh talaga? Sino naman?”

“Hindi ko sasabihin. Sasabihin ko din sayo sa right time.”

“Ngayon na hindi ko naman ipagkakalat eh.”

“Malalaman mo din yun agad kasi may balak na ako umamin next week.”

“Wow talaga?! Gagawin mo nga talaga?”

“Hahaha oo eh. Actually first time ko ito gagawin sa buong buhay ko, kadalasan kasi nangliligaw lang ako agad tapos sinasagot na ako pero itong babae kasi na to kakaiba sya sa mga nakilala ko na babae.”

“Ah naks.”

Iyon na lang nasabi ko sa balak nyang pagtatapat sa nagugustuhan nyang babae. Sana ako na lang iyon. Alam ko masama ang mag assume o mag expect pero ano magagawa ko di ba?

“Inlove na ako sa kanya at alam mo ba Bettina pag naiinlove na ako I’m fucked up.”

Hah? Ano daw? Nagmura pa sya. Siguro ang ibig nyang sabihin eh nagiging patay na patay sya at nagugulo ang life cycle nya.

“Naku. Head over heels na yan.”

“Alam mo kasi lahat naman ng babae naappreciate ako, pero itong nagugustuhan ko hindi ko alam kung tumatalab ang charisma ko sa kanya. Ibang babae sinasabi pa sa akin na, gwapo, matangkad, matalino at boyfriend material ako. Tingin mo boyfriend material ako Bettina?”

Tingin mo boyfriend material ako Bettina?

Tingin mo boyfriend material ako Bettina?

Tingin mo boyfriend material ako Bettina?

Tingin mo boyfriend material ako Bettina?

Napatigil ako sa ginagawa ko nang itanong nya ang kanyang katanungan. Hindi agad ako nakasagot. Sasabihin ko ba na OO? Ang hirap naman. T.T

“Uy Bettina, tingin mo boyfriend material ako?”

“Ah oo naman.”

Napasagot na lang ako ng OO. Iyon naman kasi ang totoo. Oo boyfriend material ka Kanier, sana ako na lang. SANA.

“Mukhang gusto ko na umamin mamaya pag uwi natin. Hindi na kasi ako makatulog sa gabi sa kakaisip sa kanya.”

“Sure ka na ba?”

“Uhm sige bukas na lang, para handang handa na ako.”

“Talaga? Balitaan mo ako ah. Update mo ako.”

“Oo naman!”

Ang saya naman ni Kanier, pero ako #Nganga. Lubus lubusin ko na ang natitirang oras namin, baka kasi gusto din pala sya ng girl na iyon at maging sila na. Iniisip ko minsan na si Anastasia yung tinutukoy nya pero part of me sinasabe na sana ako na lang iyon. Mahirap umasa kasi lasang tanga.

Sana Ako Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon