July 13 – 7:00 am
Gumising ako ng maaga dahil naalala ko madami pa ako gagawin. Naalala ko din na napaginipan ko sya. Sinampal ko ang sarili ko para magising sa ulirat.
“Aray sakit!”
“Bettina! Ano ginagawa mo?”
“Wala Ma, may lamok pinapatay ko lang. Peste eh!”
“Sge. Oo nga pala Bettina bilihan kita ng mga rejuvenating cream at toners para dyan sa mukha mo. Anak naman alagaan mo sarili mo at tsaka ayus ayusin mo yang pananamit mo namumukha kang tomboy.”
“Aray ko Ma. Eh sge iwan mo na lang dyan, tinatamad pa ako magpaganda.”
“Sige Ate. Wala na mangliligaw sayo nyan. Peace ^__^V”
Tumahimik na lang ako sa mga sinabi ng kapatid ko. Maybe tama sya. Eh bakit ba ako magpapaganda? Mas gusto ko yung nainlove na sya sa ganitong tsura ko bago ako mag transform sa pagiging DYOSA! Ang ambisyosa ko db? Hahaha.
__________________________________________________________________________________
Author's Note: Hello mga kapatid! Kamusta naman ang pag uupdate ko ah? I hope na mag vote naman kayo kahit papaano. PLEASE? :( Sa Thursday na ang next ko na UD at ang dami ko pa case digests. Sige salamat and ingat kayo!

BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang
Novela JuvenilTypical na storya pero umaasa ako na ituturing nyo itong espesyal. Ang nais ko ay magpasaya at maghatid ng kaalaman tungkol sa istoryang iyong matutunghayan. Ito ang unang storya na nabuo ko kaya masaya akong ibabahagi ito para sa Wattpad readers. I...