Chapter Nine

27 0 0
                                        

July 28 – 9:30 pm

Nandito na kami sa jeep ni Kanier para umuwi ito na din siguro yung last na pagsasabay namin. Nakakalungkot pero iniisip ko din na sana ako yung girl na nagugustuhan nya.

“Bettina, mukhang sa text na lang ako aamin kasi parang napansin ko sa personal baka ma awkwardan sya dahil baka mabago ang tingin nya sa akin at layuan na ako.”

“Ah ikaw bahala basta masabi mo ang tunay na nararamdaman mo.”

July 28 – 10:30 pm

Nandito na ako sa bahay namin, kumain at nanuod na lang ako pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko kung gagawin nga ba talaga ni Kanier ang pag amin nya sa nagugustuhan nya. Pero ang sabi nya sa akin mag tetext sya kapag gagawin nya na. SANA HINDI NA MATULOY. SANA!

July 28 – 11:30 pm

Inaantok na ako, siguro hindi nya na itutuloy. Makatulog na nga.

*beep*

*beep*

Tumunog ang phone ko na kanina ko pa hinihintay. Kinakabahan ako ng kinuha ko iyon, si Kanier ang nagtext.

Kanier: Bettina

Bettina: Oh bakit?

Kanier: Nagtext na ako kay girl at nagreply na. Medyo bumebwelo pa ako.

Bettina: Paano bang approach gagawin mo? Bwelo eh mag uumaga na..

Kanier: Eh kasi iseset ko pa lang yung punchline ko. :)

Bettina: Punchline? Parang comedy bar lang. Haha sino ba kasi yan?

Kanier: Eh kasi kinakabahan ako. Pero ang sarap sa feeling kasi ngayon ko na lang ulit to naramdaman.

Bettina: Ako din kinakabahan para sayo, kaya mo yan. Basta pag rejected ka, abangan natin sa tapat ng school. Joke :D

Kanier: Ang tagal kasi mag reply eh nakakainis.

Bettina: Baka kasi tulog na. Ikaw naman kasi aamin ka na lang dapat ina agahan mo.

Kanier: Gabi dapat, para ramdam na ramdam. Mukhang nakakahalata kasi sya.

Bettina: Sge hintayin na lang natin. Keep calm.

Kanier: Hahahaha pakyu na lang kaya itext ko? Ang tagal mag reply eh.

Sana Ako Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon