June 20 – 6:30 pm
Nagkaruon na kami ng seating arrangements. Si Kanier nga pala ang bago kong seatmate, medyo naiilang pa ako sa kanya pero sana maging close kami in future. Haha assuming?
July 12 – 6:15 pm
Dumaan ang ilang linggo at araw dumadami na ang mga kaibigan ko sa loob ng classroom syempre pati si Kanier kaso karamihan ng close ko ay boys. “Tropa” ang tawag nila sa akin tsaka na appreciate daw nila yung style ng pananamit ko, aminado naman ako mas gusto ko yung mga style ng damit ng lalaki kesa sa babae, I find them more comfortable pati sa kilos nakukuha ko na din. Oo, I admit boyish ako pero hindi ako totally tomboy ginagamit ko yun as defense mechanism to hide my weaknesses para walang lalaki na mapapalapit sa akin, gusto ko na hanggang kaibigan lang ang tingin nila. Madali mahulog ang damdamin ko kapag close ko ang isang lalaki lalo na pag mabait at gentleman basta somehow napupukaw nya ang attention ko in short I’m vulnerable. Pinipigilan ko sa ngayon na magmahal or magkagusto man lang sa isang lalaki, ayaw ko na kasi masaktan. Ayaw ko yung mahal ko tapos bigla ako iiwan takot ako masaktan muli.
“Bettina”
“O bakit Kanier?”
“Parehas lang pala tayo ng pinag uuwian. Sabay na lang tayo duon din kasi ang daan ko.”
“Sure walang problema.”
Nagkaruon kami ng chance to talk few things about ourselves. At that moment, parang may maliit na tambol na nagmula sa puso ko. Hindi ko alam bakit biglang ganuoon ang aking naramdaman.
“O Bettina, una na ako. Sge bye-bye!”
“Ok.Ingat ^___^”
May kakaiba ako na nararamdaman sa kanya, hindi ko pa masabi sa ngayon dahil ayaw ko magpadalos dalos sa aking nararamdaman. Hanggang sa makauwi na ako sa bahay namin hindi ko pa rin maiwasan na isipin sya. Naiinis ako ayoko ng ganung feeling.
“DEAR: HEART,
PLEASE NAMAN WAG NGAYON. HINDI PA AKO READY MASAKTAN HAHA.
NAGMAMAHAL,
BETTINA

BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang
Fiksi RemajaTypical na storya pero umaasa ako na ituturing nyo itong espesyal. Ang nais ko ay magpasaya at maghatid ng kaalaman tungkol sa istoryang iyong matutunghayan. Ito ang unang storya na nabuo ko kaya masaya akong ibabahagi ito para sa Wattpad readers. I...