Kabanata 2
Biglang date daw...KINABUKASAN nagising ako ng tanghali kaya wala akong nagawa kundi ang magmadali dahil mala-late na ko.
Buong gabi ako nangulit kila dad para isama nila ako sa pagbisita nila ni Mom kila Tito Kill but they keep rejecting me.
Kaya ito napala ko ngayon kulang sa tulog! Para akong zombie sa walking dead.
Saktong pag pasok ko sa gate ay nagkasalubong kami ni Hershey.
“Hers,” Lumingon naman sya sakin at binigyan ako ng ngiti.
“Scen!” she shout at lumapit saakin.
“Scen, Kahapon...” salita nya.
“Oh, Anong meron kahapon?” I asked. May nangyari ba kahapon? May na-missed ba akong meeting sa boards?
“May naka-alitan ka ba or nakaaway?” tanong nya naman.
Inisip ko kung may ginawa ba akong eskandalo kahapon. Hmm. Ang naaalala ko lang ay yung pag amin ko kay Kenzo.
“Wala naman,” I smiled bitterly.
“Ah, ganon? Kahapon kasi bumalik pa ko ng school para sa clearance ko e tapos pag daan ko sa classroom nyo may naghahanap daw sayo,” kwento nya.
Sino naman kayang maghahanap sakin?
Hindi kaya sila Kenzo? Pero bakit nya naman ako hahanapin? Hays.Naghiwalay na kami ni Hershey pag dating ng third floor sa fourth floor pa kasi ang room nya.
Pag pasok ko pa lang ng room, parang mga asong nag silapitan saakin ang mga babae kong kaklase.
“Woy! Scenary! Anong ginawa mo?!” Mariing bulong ng kaklase kong si Monic.
“Ha?” inosenteng sagot ko.
“Alam mo ba habang nag lilinis kami dito pumunta sila Nichel at Leo hinahanap ka!” sabat ni Brie.
“Si Nichel Seronso at Leo Fuego? Yung kabarakada ni Kenzo?” pagklaklaro ko.
“Oo!” sabay nilang sabi habang ang ibang classmate namin tamang esyoso lang.
Ano naman ang ginawa ko sa mga yon? E yung master nga nila ang nagpahiya saakin ah?
Bumalik kami sa kanya kanyang upuan ng dumating na ang teacher namin.
Good thing ilang oras lang ang tinagal ng klase puro papirma na lang din naman ng clearance ang ginawa namin since malapit na matapos ang year.
At dahil sa sobrang space out ko hindi napirmahan ang akin, ito namang mga walangya kong kaklase di man lang sinabi na umalis na si maam.
“Bilisan mo Scenary nasa senior high building yon sa A-1 habulin mo bilis!” pagmamadali saakin ni Frian ang katabi ko habang nagmamadali rin akong iligpit ang gamit ko.
“Bat di mo man lang sinabi saakin na umalis na si Maam!” Angil ko rito.
“Hoy Scen, humabol lang din ako noh malay ko bang di ka pa napipirmahan!” rebat nya sakin.
Pagkatapos iligpit ay tumakbo ako palabas ng junior high building para pumunta sa senior, Nang bigla ay naaalala ko ang sabi ni Frian.
'Nasa Senior High building yon sa A-1'
Teka, Section yon nila Kenzo ah?
Bahala na basta mag papapirma lang ako ng clearance ko at aalis tapos.
Tinuloy ko ang pagtakbo ko at inisa isa ang classroom.
A-5, A-3, yon! A-1!
Sumilip ako at mukhang nag a-announce pa si Maam sa kanila. Si Kenzo naman ay prenteng bored na bored habang pinaglalaruan ang ballpen nya samantala ang barkada nya ay nagkukulitan naman.
Nagulat ako ng mapatingin saakin ang isa sa kaklase nila.
“Maam, may tao po sa labas!” nanlaki ang mata ko ng mapunta saakin ang attensyon nila saakin.
“Scenary, do you need something? Come in,” Maam said.
I cleared my throat, before I enter the room. Lumapit agad ako kay maam napatingin naman ako sa klase nya.
“Diba sya yung kahapon!?” bulong ng isa.
“grabe pati dito sinundan talaga nya si Kenzo noh?”bulong pa ng isa.
Napatingin ako kila kenzo na ngayon sinusundan ako ng tingin.
“Buenaventura is there any problem?” Tanong ni Maam.
“M-Maam nakalimutan ko pong ipapirma yung clearance ko...po,” nahihiyang sabi ko.
“Ow! Yes sorry nag mamadali kasi ako e, akin na,” I gave her my clearance.
Habang pinipirmahan nya iyon may nakita akong grupo din ng mga lalaki na tinutulak ang kasama nila. Nangunot ang noo ko.
“Here's your clearance Ms.Buenaventura,” Nilingon ko si Maam, Nakangiting iniabot nito ang clearance ko.
“Thank you po Maam,” magalang na sabi ko rito.
Aalis na sana ako ng may tumawag saakin.
“A-Ah?” nakamaang kong tanong.
“A-Ano kasi...” kinakabahang ani ng lalaking kanina ay tinutulak nila.
“P-Pwede ka bang ma-date sa acquaintance,” tanong nito saakin.
Napakurap ako bigla. Gosh may admirer din pala akong kaklase nila kenzo?
“Ahmm...” should I come with him?
“Yieee sige na Scenary, matagal ka ng crush nyan ni Laurance e!” kantyaw ng mga kaklase nya.
“Why Ms.Buenaventura may ka-date ka na ba?” Singit ni maam.
Sasagot na sana ako ng biglang isang tao ang sumagot kay maam.
“Yes. It's me, got problem with that?” seryosong sagot ni Kenzo.
Napatingin ang lahat kay Kenzo. Ang kaninang kantyawan ay natahimik bigla.
Grabe nag ka-date ako bigla daw...
YOU ARE READING
A Rebounded Heart
Romantik[ON-GOING] Scenary Ria Buenaventura has a huge crush on the highschool most heartless cold senior high heartthrob Kenzo Cale Perero. Scenary is pure, soft, and naive girl who's wild in love. She loves risking, even though this love would break her...