Kabanata 5

3 0 0
                                    

Kabanata 5
Mr.Yabang...

PADABOG akong tumayo sa upuan ko at hinatak si Kenzo palabas ng room.

Habang naglalakad nasa likod ko si Kenzo at sumusunod sa akin.

Huminto ako “At paano naman kita inaya ng date aber?!”.

Bumuntong hininga naman sya na para bang naiirita sa tanong na iyon.

“I told you. You can't say no to me.”simpleng sabi nya.

Napangiti ako ng sakristrado sa kanya. “Sa pagkakaalala ko hindi mo ako niyaya, dahil ako ang nag aya sayo sige nga sa papanong paraan kita niyaya?”

Inilabas nya ang cellphone nya at ipinakita sa akin ang last chat ko.

'Hayaan mo konting hintay lang makakapaglunch na rin tayo.'

“I thought you asking me a date.”

“Bakit naman kita aayain ng date?”

“Maybe because you like me?” He mimicked me and pulled me.

The nerves! That was exactly I said on my scrapbook for him.

We went into canteen at dinala nya ko sa table nilang magbabarkada.

“Sit here ako na ang mag o-order sayo.” He said. Nangunot ang noo ko.

“Bakit ikaw?” I asked. Nilapit nya ang mukha nya sa akin. Kaya napasinghap ako.

“Bakit hindi ako?” lumakas ang kabog ng dibdib ko.

“Ang sweet naman!” wala sa oras nilayo nya ang mukha nya sakin ng nag simulang tuksuhin kami ng mga kaibigan nya.

He just smirked. He looked at me. “close your eyes.” He command.

Mag sasalita pa sana ako nang takpan nya ng isang kamay ang mga mata ko.

Dinig kong tumawa ng malakas ang barkada nya. Tinanggal nya ang kamay nya at tumalikod para umorder.

Tiningnan ko sila. “Ano yon?” tanong ko.

“Possessive.” natatawang ani Zyler.

“I'm Zyler Croe.” pakilala nya at naglahad ng kamay.

“Scenary Bue—”

“Scenary Ria Bueneventura I know.” Nakangiting aniya.

“Oh! Oo nga pala diba kaibigan mo si Monic Mendeza?” tanong ni Nichel.

“Yes, Nichel Seronso right?” sambit ko at naglahad ng kamay.

Tumango ito at nakipagkamay. “Torpe si Zyler i-reto mo daw sya kay Monic HAHAHA—UGH!” napatigil sya ng sikuhin sya ni Zyler.

“Hi,” napatingin ako sa isang babae.

“Kc Aracelie diba ikaw yung girlfriend ni Syvier Aracelie diba?” naguguluhan pa nga ako dati sa relasyon nila e.

Ang kambal nya ay si Kenzo pero ang ka-apelyido nya ay ang boyfriend nya. Weird.

Mayroong humors na anak si Syvier ni Mr.Prios ang major stakeholders ng school nato. Pero si Mr.Aracelie ang kinilala nyang ama. Tapos si Mr.Aracelie naman ay natagpuan ang totoong nyang pamilya, Which is sila Kenzo pero ginamit na apelyido ni Kenzo ang sa mom nya ang kakambal nya lang na si Kc ang nag apelyido ng sa tatay nya.

“Yup, future ex na rin soon pag di nya pa inayos ang buhay nya.” Nakangiting aniya at tumingin sa papuntang si Kenzo kasama ang grupo nila Syvier.

Magulo ang buhok ni Syvier. At animo'y kinakabahan. Nang makalapit kay Kc ay napalunok sya.

“B-Babe...” nginitian sya ni Kc.

“Ilang beses kong sinabi sayo na hwag kang iinom? Alam mo ba kung ilang subject ang nalagpasan mo?” Bigla naging amazona si Kc.

Isa sa mga grupo ni Syvier si Laurence Pavilon. Sya yung kaklase ni Kenzo na nag aya saakin.

Seryoso syang nakatingin sa akin. Napaiwas naman ako sa talim noon.

“Here's your food baby eat well.” sweet na sabi ni Kenzo. Nanlaki naman ang mga mata ko.

B-Baby?

Nakita ko kung pano ang mata ni Laurence ay dumilim.

Ano ba itong ginagawa ni Kenzo?

Inilapit ko ang mukha ko sakanya. “What are you doing?” mariing bulong ko.

Ang buong akala ko ay may maisasagot nanaman siya sa akin ngunit nag kamali ako. Nilingon nya ko at pinatakan ng mabilisang halik ang labi ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nya. My lips slightly parted. My heart was beaten so fast again. Pakiramdam ko lahat ng dugo ko ay napunta lahat sa pisngi ko.

“Aalis na kami Sy. Gigimik muna kami.” dinig kong banggit ni Laurence.

Tumalikod lang ito at di man lang ako tinapunan ng tingin. Galit ba sya? I don't know why, but feeling ko obligasyon ko ang nararamdaman nya dahil sa akin.

“Serve you right,Pav” Kenzo whispered with a smirked on his face.

Pinagmasdan ko si Kenzo. Ang isang ito ilang araw ko pa lang sya nakasalamuha pero unti unti ko sya mas nakikilala pa. Wala syang ibang ginawa kundi ang mag yabang ng mag yabang.

“Tss...Mr.Yabang.”Bulong ko nilingon naman nya ko.

“That's makes me different.”He simply say.

A Rebounded HeartWhere stories live. Discover now