Kabanata 6

0 0 0
                                    

Kabanata 6
Go Yabang ng buhay ko!...

ILANG araw nang nangyari yon ay hindi na ako kinita pa ni Kenzo. Ngunit kahit di nakikita ay ginugulo parin nya ang buhay ko.

Hindi ko ipagkakailang naging crush ko sya noon hanggang ngayon parin naman. Pero pagmagkasama kami naiinis ako sa kayabangan nya at sa lahat.

Dahil lahat yon unti unti kong tinatanggap. I do love what he do always.

Naiinis ako kasi paano kung hindi pala nya ako gusto? Edi dehado naman ako dahil minahal ko lahat ng kanya diba?

Pero kahit ganon masaya ako na pinapansin nya na ako. Hindi tulad noon na dinadaandaanan nya lang ako na parang katulad lang ng ibang babaeng nagkakagusto sakanya.

“Scenary, sabay tayo lunch mamaya ah?” yaya ni Hershey saakin. Sabay kaming pumasok ngayon dahil sa bahay sya natulog.

“Ayos lang kaso baka sabay din kami kumain nila Monic at Brie e.”minsan na lang kasi kami sabay kumain. Minsan dinadalhan nya na lang ako.

Simula kinder magkaklase kami ni Hershey. Nakakahiya man pero simula pagkabata napaka iyakin ko na hindi ako pumapayag na hindi ko sya kaklase. Nagkahiwalay lang kami nong nag highschool kami.

Kaya nga ngayon nakakatawang healthy ang friendship namin. Kahit hindi kami magkaklase at nagkikita hindi nya parin ako nakakalimutan. Samantalang ako nakakahiyang aminin pero sa tuwing nagkakaroon ako ng mga bagong kaibigan katulad nila Monic at Brie ay nakakalimutan ko sya.

“Okay lang yon sa akin, Scen. Malay mo maging kaibigan ko din sila.” nakangiting usal nya. Kahit kailan ang bait nya talaga.

Pagpasok ng room sinalubong ako agad nila Monic at Brie.

“Scen! Anong section mo?” bungad ni Brie.

“B 3 akin sa HUMSS parin ang kukunin ko.” kahit kailan talaga ang kadaldalan ni Monic hys.

“Ikaw Scenary? Kami ni Monic magkaklase.” kwento ni Brie. Si Hershey kaya anong section nya? E si Kenzo? Magco-college na yon anong course kaya ang kukunin nya?

“B 3 ABM ang kukunin ko e.”

“Bakit ABM? Dapat nag HUMSS ka na lang din!” reklamo ni Monic.

“Kailangan ko yon plano nila Mommy magtayo ng business for me e.” yun ang ginawa kong dahilan kahit ang totoo gusto ko lang mag accountant para mag intern sa pagmamay aring Bangko nila Kenzo.

“May Managementing din naman sa HUMSS ah!” giit ni Monic.

“Environmental Planning and Management yon Monica.” suway ni Brie sakanya.

“Still management parin naman yon!” ayaw patalo ni Monic.

“Hindi naman yon ang business na gusto nila mommy para saakin e.”

Napasimangot naman sila.“We're still classmate!” I shrugged my shoulders.

“Kahit na! Hindi na kami makakakopya ng Homeworks sayo!” nagtatampong turan ni Monic napatawa naman ako.

“Scenary!” nilingon ko si Frian nakakapasok lang.

Tiningnan nya si Brie sa katabing upuan ko.

“Frian patapos na ang klase pwede namang lumipat ng ibang upuan ah!” away ni Brie sa kanya.

I'm sure mag aaway nanaman tong dalawang ito. Gusto ako ni Frian makatabi dahil tinutulungan ko sya sa recitation nya at namimigay ako ng papel.

Si Brie naman daldal lang ang habol minsan ay kopya ng assignment silang dalawa ni Monic. Matalino naman silang dalawa tamad lang.

Minsan nong nagkasakit ako hindi ako pumasok tapos may exam ako non. Nagulat ang mga kaklase ko nakapag take ako ng exam ko na yon e wala naman ako nong araw na yon plus perfect pa! Yun pala nagkuntyabahan sila Monic, Brie at Frian para mag katest ako.

“Tumabi ka nga dyan Brieanne. Go back to your proper seat!” sabi ni Frian sakanya.

“Ayoko.” matigas na sabi ni Brie.

“Hoy! Kayong dalawa talaga! Yieeee HAHAHA” asar ni Monic.

Inaasar namin lagi ni Monic sila. Wala lang bagay kasi sila e.

“Kadiri ka Morgan Nicolette!” naasar na sabi Frian.

“Bakit? May sinasabi ba ko? HAHAHA”  nang aasar parin si Monic.

“Kung makakadiri tong si Frian kala mo pogi!” padabog na tayo ni Brie at hinawi ang buhok nya.

“Ang arte talaga non!” nakangusong upo ni Frian sa tabi ko.

“Oh Scenary pinadala ni Boss Kenzo!” nagmamalaking sabi nya at binigay ang malaking chippy sa akin.

“Ay bet pahingi ah!” Inagaw agad ni Monic ang chippy at binuksan.

“Hoy Morgan pahingi din!” sigaw din ni Frian at nakikuha.

“Andaya may food trip!” halos talunin ni Brie ang dalawang row para lang makakuha sa chippy.

Nag silingunan naman ang mga kaklase namin sa amin at nakigulo na.

Ang hirap mag palamon ng buraot na section jusko. Ako na lang ang nahihiya sa pagkain na para saakin.

“Hoy bigyan nyo si Scenary!” bulyaw ng kaklase naming puno pa ang bibig at may hawak pang ilang piraso ng chippy sa kamay.

“Hindi na nakakahiya naman.” nahihiyang sabi ko.

Bigla tumunog ang cellphone ko.

Kenzo Perero
Do you receive your snack?

Napaismid ako nang mabasa ang chat nya.

Scenary Ria B.
Oo naman nahawakan ko pa. Sana dinamihan mo para naman nakatikim ako.

Send.

Napasulyap ako sa mga kaklase kong nag silayuan na at iniwan ang basura ng chippy.

Kenzo Perero
Sabi na dapat sayo ko mismo binigay e tss.

Napatawa naman ako mukhang may instinct sya sa kaburautan ng mga kaklase ko Haha.

Kenzo Perero
Btw mag babasketball kami mamaya nila Sy punta ka cheer mo ko.

Napangiti naman ako namimiss ko na rin ang atensyon ng lalaking ito.

Scenary Ria B.
Oo naman! Go Yabang ng buhay ko!

Send.

A Rebounded HeartWhere stories live. Discover now