Chapter XXXVI - Bagong umaga

2.2K 110 21
                                    

"Maraming salamat po, mauuna na po kami." Paalam namin sa mga Talimao na nagkukumpulan na naman at nakapalibot sa amin. Hindi pa gaanong maliwanag, pero nakakatuwang isipin na lahat ng mga Talimao dito sa Talimaon eh mga gising na't masiglang ginagawa ang kanilang mga pang-araw-araw na gawain.

Nandito kami ngayon nina Marie, ng mga pinsan ko, pati na rin nina Tatang at Batluni sa tabi puno ng Balete kung saan ito lang tanging nagsisilbing lagusan papasok at palabas ng nayon. Halos hindi kami makaalis sa paulit-ulit na pagpapaalam namin sa mga Talimao.

Parang ayaw pa nga nila kaming paalisin, lalo na 'yung mga batang Talimao na kanina pa nila paulit-ulit na hinahawakan ang mga tenga naming magpipinsan.

"Huling beses na lang! Sige na! Pahawak ulit ng tenga n'yo." Sambit ng mga batang Talimao sa amin.

Hala, ano kami rebulto? Natatawa nalang kaming tatlo nina Kuya Gayle at Paolo. Kahit sina Mari at Tatang, nahuli rin naming natatawa.

'Tong mga batang Talimao na 'to talaga.

"Papaano ba 'yan, kailangan na naming umalis. Mahaba-haba pa ang lalakbayin namin papuntang Riasotera." Paalam ni Tatang sa mga Talimao, hinawakan at marahang ginulo niya ang buhok ng mga makukulit na batang Talimao.

At pagkaraan ng ilang sandali ay isa-isa na kaming pumasok sa lagusan nitong puno ng Balete.

Wala ng atrasan 'to. Bagong paglalakbay na naman 'to, at kailangan naming maging handa; baka bigla na namang sumulpot sina Bakunawa.

Pero, hindi ko na masyadong inaalala 'yon. kasama naman namin si Tatang.

"Haay... Sarap!" Bulalas ko habang iniuunat ko ang katawan ko na dinadampian ng malumanay na init ng bukang liwayway.

Ang ganda ng umaga, lalo na 'yung ganitong oras na nagsasama 'yung ginaw at ang init ng araw. Ang sarap sa pakiramdam.

Mukhang magiging maganda ang araw na 'to ah...

Sana nga!

                                                                             ***

Tahimik naming tinahak ang makapal at masukal na kagubatan ng Elmintir, ngayon ko lang napansin na punong-puno pala ng mga punong namumunga ng matatamis na prutas itong kagubatang 'to. Mayroong mangga, duhat, atis, kaimito, makopa at iba pang mga matatamis na prutas; meron pa nga kaming nakitang mga pinya at pakwan e.

At syempre, as usual ako naman 'tong nagpagtripan nilang utusan para mamitas ng mga prutas.

"Bakit ba palagi nalang ako? Ako lang ba ang marunong umakyatng puno? Nandyan naman si Batluni ah?" Pabulong-bulong akong nagmamaktol.

"Guro mo si Batluni, bakit sa eskwelahan n'yo ba nagagawa mong utusan ang mga guro mo?" Tanong ni Tatang.

"Tsaka, okay lang 'yan Kelvs, may sa-matsing ka naman." Pabirong sabat ni Kuya Gayle.

"Oo nga Kuya! Bagay na bagay!" Natatawang gatong naman ni Paolo.

Natawa nalang din ako. 'Tong mga 'to talaga.

At nagpatuloy na kami sa paglalakad, may mga pagkakataong humihinto kami sa mga batis para kumuha ng malinis na tubig, okaya naman eh mamahinga sa ilalim ng mga puno--lalo na ngayon na medyo umiinit na; pahapon na kasi eh--at ayoko ang sikat ng araw kapag ganitong oras: Mahapdi kasi sa balat.

"Tatang, nasaan na ba tayo? Tsaka saan ba ang punta natin?" Tanong ni Paolo na nakayuko at tila ba pagod na pagod na mula sa maghapon naming paglalakad.

Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon