Una sa lahat, Maraming salamat sa mga nagbasa at nagbaba at inaabangan ang bawat update ko, salamat narin sa mga votes and comments, yung mga silent readers dyan -- comment naman kayo hehe.
Hello! Bueno -- hindi ko talaga plano maglagay ng author's note pero since may mga ibang parte ang kwento ko na ayoko ng i-edit pa sa kadahilanang:
1. tinatamad ako.
2. marami akong ginagawa atsaka tinatamad nga ako.
3. tamad ako.Well, ieexplain ko nalang para malinaw -- kung sakaling may mga tanong kayo sa ilang chapters ng Arentis. Tulad ng papaano nakilala nina Paolo at Gayle si Tatang Lucas -- at bakit parang kilala ito ng buong pamilya nila. Para wala ng tanong tanong eto sasagutin ko na.
Si lucas ay matalik na kaibigan ni Generoso -- yung lolo nina kelvin, paolo at gayle, kasama n'ya ito nung napunta siya ng Arentis, kasama n'ya ito nung hinarap n'ya ang mapanganib na kampon ni Legutan. Nakilala nalang ni Inay (Asawa ni Generoso) si Lucas noong isinama ito ni Generoso sa pag-uwi nito sa mundo ng mga taga-lupa, para i-explain ang dahilan ng matagal nitong pagkawala.
At iyon ang unang pagkikita ni Inay at Lucas -- hindi na sila nagkitang muli sa loob ng ilang dekada sa kadahilanang bumalik na ng Arentis si Lucas, hanggang sa bigla itong nagpakita kay Inay isang araw habang naglalakad ito papunta ng bayan para mamalengke, ng mga panahong iyon ay kasama naman ni Inay sina Paolo at Gayle.
At iyon ang unang pagkikita nina Lucas, Gayle at Paolo.
Gets mo na? Hindi ko masyadong i-e-elaborate, antayin mo yung ibang chapters *kindat*.
Ano pa ba? Ah! Si Acacia.
Si Paolo ang unang nakakita kay Acacia noong unang beses silang pumunta ni Gayle sa ubug-ubugan, kahit gumagamit ng kapangyarihan si Acacia para ikubli ang presesnya nito sa mga bata ay madali itong napansin ni Paolo kase nga diba -- may third eye sya? At sa huli napilitan itong magpakita sa mga bata.
Doon unang nakilala ng dalawa ang reyna ng Arentis.
Gets mo na? Abangan mo nalang din yung ibang chapters, wag ka magulo di ako spoiler :)
Yung manukan? Sikreto pa rin :)
So ayun, na explain ko na ah? Abangan mo nalang ang mga susunod na kabanata ng Arentis -- lalo na ngayon na aksidenteng napadpad si Kelvin sa Arentis, ano kaya ang mga susunod na mangyayari? At sino iyong nagligtas sa kanya mula sa pagkakahulog nya sa talon?
Abangan :)
------
Muli, salamat sa mga sumusuporta at patuloy na nagbabasa ng aking kwento, asahan ninyong pagbubutihin ko pa para naman mas maimagine nyo ang mga nangyayari sa ating mga bida sa kanilang paglalakbay sa mundo ng Arentis.
So ayun, sana may naintidihan kayo. (Inaantok pa talaga ako, kakagising ko lang e.), Happy New Year! Iwasang magpaputok! :)
P.S: Message n'yo ako kung may mga suggestions kayo, for questions naman -- feel free to comment, sasagutin ko naman ASAP. :)
BINABASA MO ANG
Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently Editing
FantasíaPatintero, Tagu-taguan, langit-lupa, jack-en-poy at habulan... Ilan lamang 'yan sa mga madalas nating laruin, buong maghapon maghapon tuwing bakasyon. Ngunit papaano kung isang araw ang lahat ng ito ay mapapalitan ng pag-akyat ng bundok, pagtawid s...