Chapter X - Ang simula

3.3K 188 42
                                    

Parang nag slow-mo ang lahat -- lalo na 'tong Sarangay na nasa ere.

Nakataas ang isang kamay habang hawak ang isang malaki at matalim na palakol, nakaambang atakihin ang sinumang mahagip ng kanyang sandata --

Ito na nga yata ang katapusan ko.

"Anak ng --" Bulong ko sa aking sarili. Palakas ng palakas ang kabog ng aking dibdib, naninikip ang aking dibdib at nagsisimula na akong mahirapang huminga.

MOOOOOO!

Papalapit na sa amin ang Saranggay -- ipinikit ko ang aking mga mata. Dito na yata ako malalagutan ng hininga.

" 'wag kang matakot --" Dining kong sambit ni tatang.

Bahagyang lumingon at tumingin sa akin si Tatang, at bago nito haraping muli ang papalapit na Sarangay ay napansin kong kumurba ang mga labi nito sa isang ngiti.

"Solvo Erbier."

Mariing itinusok ni Tatang Lucas ang kanyang tungkod sa lupa -- ilang sandali lamang ay naramdaman kong yumayaning ang lupang kinatatayuan ko -- para bang lumilindol -- hindi, parang may gumagalaw sa ilalim.

"HALA!" Nagulat kong sambit ng biglang lumabas mula sa ilalim ng lupa ang mga ugat ng punong mabilis na umaarangkada patungo sa direksyon ng Sarangay, gumagalaw ang mga ito na tila ba may sariling isip -- o kinokontrol? Malay -- basta nagibla ako sa mga nangyayari, lalo na ng biglang magdikit-dikit at magkumpulan ang mga ugat hanggang sa nagkaporma ito na parang dulo ng sibat -- nagkaroon ito ng patusok na dulo.

At patungo ito sa direksyon ng Sarangay.

ARRGHH! Argh...

Pinuntirya ng mga ugat ang dibdib ng Sarangay, kitang-kita ko kung papaano nito atakihin ang nakakatakot na nilalang -- tagusang lumusot ang mga ugat mula sa dibdib ng Saranggay hanggang sa likod nito --

MOOOOOO!!! BLEGH!! MOOOOO!!!

Malakas na umungol ang Sarangay -- at kada ungol nito ay siya namang pagsirit ng dugo sa kanyang dibdib -- nagsusuka na rin ito ng dugo, tinitigan ko itong mabuti.

MOOOO!!!!! MOOOOO!!!

Pilit na nagpupumiglas ang Sarangay -- sinimulan nitong suntukin at palakulin ang mga ugat ngunit wala itong magawa -- tagusan itong tinuhog ng mga ugat, parang barbeque -- wala ngang nagawa ang laki ng katawan nito dahil sa huli dahan-dahan na itong nanghina.

Hanggang sa dahan-dahang yumuko ang Sarangay -- humihingal ito ng mabagal at malalim, hanggang sa hindi na ito kumibo at tuluyang nalagutan ng hininga.

"Opturo"

Muli na namang gumalaw ang mga ugat. Ang patusok na dulo nito ay biglang bumuka na parang mga talulot ng isang bulaklak, dahan-dahan itong lumapit sa walang buhay na Sarangay --

"Ay tang -- i --" Bigla kong tinakpan ang aking bibig -- nagulat ako sa mga sumunod na pangyayari.

Pinaluputan ng mga ugat ang walang buhay na Sarangay, dahan-dahang pinapaikot habang dahan-dahang binabalot ng makakapal na baging na bigla rin nagsilabasan mula sa mga ugat ang katawan ng walang buhay na Sarangay. Parang gagambang binabalot ang pagkain sa sapot.

At dahan-dahan ay bumalik sa lupa ang mga ugat, dala-dala ang katawan ng Sarangay.

Humarap muli sa akin si Tatang Lucas, humihingal ito -- "Kailangan na nating umalis dito." Mariin n'yang utos.

Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon