Chapter XXV - Isang baston, salamin, at isang espadang kahoy

2.7K 127 9
                                    

Halos mabulunan ako sa kakakain ng mga putaheng nakahapag sa lamesa, kahit ang mga pinsan ko ganun din. Halos hindi na ako makatayo sa sobrang kabusugan.

Ni hindi man lang namin napansin na umalis saglit si Acacia at ngayon ay pabalik kasama ang dalawa nitong kawal na may tig-isang sakong dala-dala, hindi magkapareho ang laki ng mga sakong ito; ang isa ay maliit habang ang isa naman ay may kalakihan..

"Nabusog ba kayo?" Tanong ni Acacia habang papalapit ito kasama ng dalawang kawal na kasabay nito sa paglalakad.

"O-opo. Busog na busog nga e." Sagot ko.

"Mabuti naman kung gayon dahil--" Dali-daling ipinatong ng mga kawal ang dala nitong mga sako sa harap namin. "Sisimulan na natin ang pagpupulong." dagdag ni Acacia.

Halos matumba ang mga tansong kubyertos sa lakas ng pagkakapatong ng mga sako sa lamesa. Napalunok ako ng kaunti -- nawala ng daglian ang antok ko.

"Balak ko sanang magsagawa ng isang piging at anyayahan ang lahat mga naninirahan sa palasyo upang panoorin kayo habang binabasbasan ko kayo bilang mga bagong mandirigma ng Arentis, ngunit kailangan ng magmadali." Sambit ni Acacia, nilingon nito si Tatang na ngumiti lamang at hindi na nagsalita.

"Dideretsuhin ko na kayo. Ang laman ng mga sakong ito ay ang mga kakailanganin ninyo sa inyong paglalakbay." Sambit muli ni Acacia.

"Parang ang bigat naman niyan--" Pabulong kong wika.

"Ang laman ng sakong ito--" Sabat ni Acaciahabang pinabubuksan ang unang sako. "Ay pawang mga pagkain na magagamit ninyo habang nasa kalagitnaan kayo ng inyong paglalakbay. Siguradong magugutom kayo, kailangan n'yo ng kaunting makakain."

Ipinakita sa amin ng kawal ang laman ng maliit na sako; punong puno ito ng mga pagkaing nakabalot sa dahon ng saging, tinanong ko si Acacia kung ano ang mga pagkaing iyon.

"Tamales at Bringhe." Sagot ni Acacia, mainam na 'yang laman ng sakong iyan para sa isang linggo ninyong paglalakbay.

"Tatlong araw lang sa'kin 'yan." Bulong ko kay Paolo na sandali namang pinigilan ang sarili sa pagtawa.

Napansin kong tinitignan pala ako ni Tatang kaya naman dahan-dahan kong inayos ang aking sarili sa pagkaka-upo at tahimik na nakinig kay Acacia.

"At ang laman naman ng sakong ito--" Itinuro ni Acacia ang huling sako. "Ay ang inyong mga susuotin at ang inyong mga gagamiting sandata habang isinasagawa ninyo ang misyon. Mapanganib ang gagampanan ninyong misyon--kailangan n'yong protektahan ang inyong mga sarili."

Napalunok na naman ako, sa tuwing naririnig ko 'yung salitang "mapanganib" halos bumababa ang sikmura ko at pinagpapawisan ako ng malamig. Naaalala ko tuloy si Bakunawa.

Gustuhin ko mang bawiin ang desisyon ko tungkol sa pag-payag ko dito sa tulong na hinihingi sa amin ni Acacia eh hindi ko naman magawa. Una, ayokong iwanan ang mga pinsan ko, ngayon pa't nasaksihan ko na kung gaano kalakas si Bakunawa.

At pangalawa, inaalala ko si Papa.

"Tatlo ang sandatang nakapaloob dito sa sako, ang bawat isa ay pinili ko ayon sa inyong kakayahan at kapangyarihan. Makakatulong ang mga sandatang ibibigay ko sa inyo upang mas palakasin pa ang inyong kapangyarihan. Bueno mag-umpisa na tayo, Gayle--" Sambit ni Acacia.

Dali-daling tumayo si Kuya Gayle mula sa kanyang kinauupoan, tumayo iyo ng tuwid ngunit kapansin pansin ang panginginig ng tuhod at manaka-nakang pag-lunok. Sabi na e, ninenerbyos din 'tong si Kuya.

Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon