My High School Fairytale II : Chapter 3

696 10 0
                                    

Papasok na ng classroom si Jason kasama ang mga kaibigan nito nang eksaktong nagkahulihan silang dalawa ni Mikaella ng tingin. Nginitian ito ni Jason ng ubod tamis na sinabayan pa niya ng kindat ngunit inirapan lang ulit siya nito.

Siniko siya ng mahina sa tagiliran ni Ryan at bumulong ito sa kanya ng "Give up or cry"

Napailing na lang si Jason sa ginawa ni Ryan at dumiretso sa sariling upuan at ipinagpatuloy ang pakikipag-usap sa mga kaibigan.

"Yun na nga... Hindi pa ako nakakapag-isip ng ipipinta sa darating na recital." napapakamot sa ulo na sagot ni Jason kay Yohann nang tinanong ng huli kung may naisip na sa siyang subject na ipipinta para sa Grand Recital nila (A/N: will explain Grand Recital in the later part of the story)

CLAP!CLAP!CLAP!

"Ok class! Settle down! Since this is the first day of class, let's select our classroom officers...etc..etc..etc..." si Mr. Tedaro ang nagsasalita, class adviser ng 4th Year Special Program in the Arts. Dating full time coach ito ng Male soccer team ng Sports Curriculum pero simula ng nagkaroon ng changes of schedule ay minsan na lang ito nagcocoach. Matangkad ito at athletic pa rin ang katawan kahit may edad na. Kahit istrikto ito sa klase ay gustung-gusto pa rin ito ng mga estudyante dahil ginagawa nitong fun ang exciting ang subject na Physics. 

At dahil likas na girl scout si Mikaella, kinuha niya ang dala-dalang PHR pocketbook. Nakasanayan na niyang magdala ng babasahin in case of emergency, na tulad ngayon ay napaka boring para sa kanya.

"Ui,tungkol san yan?" lumapit pa si Krizza sa kanya para makita ang binabasa niya. Ibinaba nito ang hindi pa natatapos basahin na pocketbook na pinahiram sa kanya ni Mikaella.

"Lovestory eh...May gusto akong part dito,subukan natin next time" excited na kwento niya dito. Hinanap niya kung saang pahina iyon para maipabasa niya sa kaibigan.

"Psstt..Ang gugulo niyo..." saway sa kanila ni Cecille na hindi inaalis ang focus sa idinodrawing. Ito lang ang walang hilig sa pocketbook pero sa comics ay mahilig ito. Umaapaw ang comics collection nito sa sariling kuwarto. Hindi miminsang isinuggest ng mga kaibigan dito na magtayo na lang ng bookstore o library kasosyo ang Tita Elsa ni Mikaella.

...

...

...

"The table is now open for nominations for Prince Charming..." wika ng kaka appoint lang na class president.

"Nasan na ba yun...hmnnn..." focused pa rin sa paghahanap si Mikaella. "Kakabasa ko lang nun kagabi eh"

"Hayaan mo na... Ako na ang maghahanap nun,tapusin mo na lang yan ngayon" bulong sa kanya ni Krizza na tinaasan niya ng kilay.

"Tapusin mo nga muna yang binabasa mo" saway niya dito.

"Ms. President!" tawag-atensyon ng isang estudyanteng babae mula sa bandang likuran.

"Yes, Ms. Salvacion" ~ Miss President

"I respectfully nominate Jason dela Vega for Prince Charming"

"Jason dela Vega is nominated for Prince Charming. Any more nominations?"

"I move to close the nomination!" sigaw ng isa pang kaklaseng babae.

"We second the motion!" sigaw ng halos lahat sa klase na may pakialam at ng mga walang pakialam para may masabi lang kabilang na si Mikaella na hindi inaalis ang tingin sa binabasa.

My High School Fairytale II : Love Lifts (COMPLETED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon