My High School Fairytale II : Chapter 7

522 10 0
                                    

"Ella!Anong nangyari?Papunta na sana ako sa gym ng makita kong nag-uusap kayo ni Cecille or more like nagtatalo" ~〈(゜。゜) Krizza

"Hindi ko alam kung anong nangyari...Wala ng tao dun ng pumunta kami ni Jason eh" ~ Mikaella

"Baka naman nagalit si Cecille kasi nalaman niyang makikipagdate ka kay Melvin?" ~ Jason

"Alam niyang magkikita kami ni Melvin at hindi kami magdedate!" mataray na sabi ni Mikaella kay Jason na ikinataas nito ng dalawang kamay sabay tikom ng bibig "Pero bakit ganun? Bakit siya umiiyak?... at parang galit siya sa akin?" nag-aalalang tanong ni Mikaella kay Krizza na kibit-balikat lang ang tugon sa kanya pero halata sa mukha nito ang pag-aalala.

...

Kinabukasan ay hindi kumikibo si Cecille kay Mikaella.

Sinubukang kausapin ni Mikaella si Cecille pero palagi itong gumagawa ng paraan para hindi siya nito makaharap.

"Ces,teka..." Major time na nila ng mga oras na 'yun at inabangan ni Mikaella si Cecille sa may entrada ng Theatre Arts Room para makapag-usap sila nito pero parang wala itong nakita o narinig kaya naman hinawan ito ni Mikaella sa kaliwang kamay.

Napatingin ng masama si Cecille sa kanya dahil doon at parang nandidiri ito sa pagkakahawak niya.

"Mag-usap naman tayo o...Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan at--" ~ Mikaella

"Ayokong makipag-usap sa'yo.Traydor ka." mahina pero may diin ang pagkakasabi ni Cecille sa huling dalawang salita sabay bawi ng kamay mula sa pagkakahawak ni Mikaella.

"Ano 'to ha?" natatawa si Peter habang iwinawagayway niya sa mukha ni Mikaella ang cellphone niya.Hindi siya pinansin nito at si Cecille naman ay nilagpasan lang siya.

"Bakit siya ganun?" tumutulo na ang mga luha ni Mikaella "Ayaw man lang niya akong pakinggan at ayaw niyang sabihin sa akin kung ba't siya nagagalit"

"Ahh..Ella..." hindi naman alam ni Peter kung paano patatahanin si Mikaella...

Nasa ganung sitwasyon sila ng napadaan si Jason at ang tropa niya.

"Mauna na kayo Yohann." ~ Jason

"Anong nangyayari dito?" kunot noong tanong ni Jason kay Peter

"Nagkatampuhan ata sila ni Cecille eh" ~ Peter

"Wag ka ng umiyak.Lalo kang pumapangit" pang-aalo ni Jason kay Mikaella

"J-Jason?" lalong umiyak si Mikaella ng niyakap siya ni Jason.

"Maaayos din 'to..." ~ Jason

"Sana nga...Sana..." humihikbing bulong ni Mikaella

...

Nakita naman ni Cecille ng umiyak si Mikaella.

Naguiguilty siya pero galit na galit siya kaya hindi niya ito kayang kumprontahin.

Ngayon lang sila nagkatampuhan ng ganito ni Mikaella.

Bakit kasi ganun?

Kaibigan mo pa pala ang magtatraydor sa'yo.

"Ces?" ~ Melvin "Ba't wala ka kahapon?"

"Hindi ba yun din naman ang gusto mo?" mahinang tanong ni Cecille dito. Hindi niya rin pala kayang kumprontahin si Melvin. Dapat naiinis siya dito... Pero hindi eh... Nakakaasar man pero may gusto pa rin siya dito.

My High School Fairytale II : Love Lifts (COMPLETED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon