My High School Fairytale II : Finale

504 10 3
                                    

"This is really stupid and you are very stupid for doing this." Naiinis na sabi ni Teresa kay Jason.

"Just do this ok? This is for her." Matamlay na iniabot sa kanya ni Jason ang bayad kapalit ng ticket na binili ni Teresa.

"What?That was just for fun! If you're gonna blame me for kissing her,I'm sorry,ok? And what's with this ticket? Ano bang tingin nyo kay Mikaella,bola na pinagpapasa-pasahan? Hello? Why are guys so insensitive?"

"Well,I'm sorry for being insensitive and thank you for this"hinablot niya mula sa mga kamay nito ang ticket at umalis na ng airport.

"You are welcome!!!" sigaw ni Teresa sa papalayong motorsiklo ni Jason.

...

...

...

The day before.

"Kapag ba niyaya ka ni JJ na sumama sa kanya sa Manila,sasama ka?" tanong ni Krizza kay Mikaella out of the blue.

"Ano bang klaseng tanong yan Kriz?" ~ Mikaella

"Hypothetical question lang naman yun Ella,sagutin mo na." ~ Cecille

"Hmmnnn...alam nyo namang ideal guy ko talaga si JJ diba? He's tall,intelligent,warm,sweet. He's everything a girl could ask  for. At sa totoo lang,siguro kung yayayain nya akong magpakasal ngayon,Yes kaagad ang sagot ko!" natatawang paliwanag ni Mikaella sa mga kaibigan.

"Kasalan agad? Hindi ba pwedeng engagement muna?" ~ Krizza

"Oi,oi,anong kasalan ang pinagsasasabi nyo ha?" ~ Peter

"Wala iyon,masyado kang eps Pete" ~ Krizza

"Teka,nakita kong nasa likuran nyo si Jason kanina ah,may nakakita ba sa inyo sa kanya? May ipinapagawa kasi sa amin si Mr. Tedaro. Naku! Yung lalaking yun talaga. Pahihirapan na naman ako. Tsk. Hahanapin ko na nga lang muna siya"

Natahimik naman silang tatlo pagkaalis ni Peter.

"Oh my gosh! Baka narinig niya lahat ng sinabi mo Ella!" hysterical na sabi ni Cecille.

"Ano ba naman kayo? Hindi naman siguro." ~ Mikaella

"But what if?" ~ Krizza

"Kaya 'ko to" sabay kindat ni Mikaella sa kanila.

...

...

...

Airport.

"All passengers bound to..."

"Mika? What are you doing here?" nakakunot-noong tanong ni JJ kay Mikaella.

Tinawagan siya nito at sinabi nitong maghihintay ito sa coffee shop.

"Is this really your idea of leaving?No goodbyes this time?"

Napa-upo ito sa harap niya at nginitian siya nito.

"I'm sorry. Hindi ko lang talaga alam kung paano magpapaalam sa'yo. When we were in Tropical Park,naisip ko na handa na ako sa kung ano man ang desisyon mo pero hindi pala. I was thankful that you didn't have to say it  straight to my face. When you walked away, I already got my answer. But I couldn't stand not seeing you for the last time. Knowing that you are here. Waiting." hindi maalis-alis ang tingin nito kay Mikaella habang nagsasalita.

My High School Fairytale II : Love Lifts (COMPLETED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon