My High School Fairytale II : Chapter 19

373 5 2
                                    

*Flashback*

"Pete! Napapansin ko na palagi ka ng busy these past days ah?" hindi na kasi siya masyadong sumasama sa amin at parang palagi siyang may ginagawa.

"Huh? Ah... Pasensya ka na Ella ha..."

Inakbayan ko siya at kinurot ang pisngi niya.

"Ba't ka naman nagsosorry?"

Humilig ako sa balikat niya.

Namiss ko talaga si Peter.

Simula nung first year high school kami ay palagi na kasi kaming magkasama.

"Siguro may nililigawan ka na noh? O siguro..." tiningnan ko siya "may girlfriend ka na noh?!" halatang nabigla siya sa tanong kaya napaubo siya. "Psshhh...Alam ko kung kelan ka nagsasabi ng totoo o kelan ka nagsisinungaling Pete kaya wag mo na lang sagutin ang tanong ko kung ayaw mong sabihin muna sa akin ngayon"

Humilig ulit ako sa balikat niya.

"Mukhang may inaaway ata sa likuran ng gym!" ~ student

Hinila ko ang kamay ng babaeng napadaan sa tapat namin.

Nacurious ako eeeeh.

"Miss,may artista ba?" tanong ko sa kanya

"Ah...Wala...pero si Rhea kasi kinukuyog ng fans ni Jason" ~ student

"Ano?!" 

Kilala ko yung Rhea at alam kong maraming galit sa kanya sa school pero hindi ko maintindihan kung bakit kinukuyog ito ng fans ni Jason.

Hindi naman ako kinuyog ng mga ito nung malaman nilang nililigawan ako ni Jason ah.

"Peter" tumayo ako at hinila si Peter pero hindi ito tumatayo "Pete,ano ba? kailangan natin silang awatin,alam mo naman kung gaano ka war freak ang mga fans ni Jason kapag nagagalit ang mga iyon eh. Kakalbuhin nila siya!"

"Hayaan mo siya Ella,kaya niya ang sarili niya" hindi pa rin ito tumatayo

"Ano ka ba naman Pete? Ang problema ni Jason ay problema ko rin!" sigaw ko sa kanya.

Oo, galit ako kay Jason pero ayoko naman na maging ganun ang fans niya.

Wala pa naman siya sa school ngayon.

Umatend ng Poster making contest sa ibang eskwelahan.

"Hindi ko alam kung anong problema mo Pete pero please,samahan mo na muna a--"

"Bakit mo pag-aaksayahan ng panahon ang taong sumira sa inyo ni Jason?!" sigaw sa akin ni Peter

"A-anong? Tutulungan ko siya kasi kinukuyog siya ng fans ni Jason at hindi ko alam kung bakit ,ok? at wala siyang kinalaman sa--"

Tsaka lang nagregister sa isip ko ang sinabi niya.

"Anong...Anong sabi mo? Ang taong sumira sa amin ni Jason?" pakiramdam ko nanghihina ang tuhod ko.

At tinawanan ko na lang ang naisip ko.

Hindi.

Nagkakamali si Peter.

Pano naman niya malalaman yung tungkol dun diba?

Kung totoo man yun.

Hindi ko alam kung bakit kasi hindi ko naiintindihan ang nangyayari.

My High School Fairytale II : Love Lifts (COMPLETED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon