My High School Fairytale II : Chapter 2

860 11 0
                                    

"Uyyy!close na ata kayo ni Jason ah?" panunudyo ni Cecille kay Mikaella habang nanananghalian sila sa canteen.

"Anong close?" nagtatakang tanong ni Mikaella sa kanya at ipinagpatuloy ang pagsubo ng pagkain.

Si Cecille ay palaging may baong kanin pero bumibili ito ng ulam tuwing tanghalian dahil mas gusto nito na mainit ang ulam na kakainin, si Krizza naman ay palaging may baon na kanin at ulam sa stone sealed na lalagyan (may sarili kasi silang carenderia at talaga naman masarap magluto ang magulang niya) at si Mikaella ay palaging bumibili ng pagkain sa canteen dahil sa palagi itong late nagigising at ayaw naman niyang palagi silang pinagsisilbihan ng Tita Elsa niya na may sarili ding negosyong botique na di kalayuan sa bahay nila.

"Mamayang gabi pa dapat iluluto ni Papa yan kaya lang naisip ka niya kaya nagluto siya ng kaunti para sa'yo" binuksan ni Krizza ang isang stone sealed na baunan na may lamang umuusok na sisig at malasadong itlog sa taas at itinulak palapit kay Mikaella na napatigil sa pagsubo.

"Whooooaaaahhhh!!!" masayang tili ni Mikaella at umaktong yayakapin si Krizza pero pinigilan siya nito ng hintuturo sa noo "Hehehehe... Thank you!!! Itadakimasu!!!" 

"Kung makapag react to, parang si Coco Martin ang nakita eh" natatawang wika ni Krizza na ikinangisi lang ni Mikaella na punung-puno ang bibig ng kanin at sisig. "Anyway,nakita namin kayo na nag-uusap kaninang umaga...Mukhang hinalikan ka pa nga eh! Kayo na ba?" biglang tanong niya sa huli na dahilan kung bakit bigla itong napaubo.

"Agad-agad?" hinimas-himas ni Mikaella ang dibdib pagkatapos uminom ng tubig bago sinundan ang sinasabi ng "hindi ba pwedeng friends muna?"

"Hindi na uso yun ngayon Ella tsaka ano ka ba naman Kriz, iisang tao lang naman ang gusto niyang si Mikaella--" hindi na naituloy ni Cecille ang sasabihin sana dahil siniko na ito ng mahina ni Krizza sa tagiliran ng mapansing napatigil sa pagsubo ng pagkain si Mikaella.

"Ummm..sorry..." ang mahinang nasambit na lang ni Cecille na napakibit balikat at ibinaling ang atensyon sa pag-inom ng softdrinks.

Napabuntong-hininga naman si Mikaella, tiningnan isa-isa at nginitian ang mga kaibigan "Ano ba? Ok lang yun noh! Tsaka yung chickboy na yun?...Wala yun! Pinahiram niya lang ako ng I.D sling kanina kasi naiwan ko yung I.D ko sa bahay..."

Iisang section na lang sila ngayon dahil marami ang natanggal sa curriculum nila. 

"Ang hihirap nga naman talaga kasi ng mga subjects natin nung 3rd year! Muntik ko na ngang hindi maipasa yung Filipino! Ang daming bumagsak sa atin dun!" pag-iiba ng topic ni Krizza.

"Takteng Filipino yun, nadyahe tuloy ang allowance ko makabili lang ng libro ng Ibong Adarna" Napahigop tuloy ng malakas mula sa iniinom na Royal Freeze-O si Mikaella. Naiinis pa rin siya tuwing naaalala niya kung gaano kalayo ang pagitan ng English grade niya mula sa kanyang Filipino grade. Naging project kasi nila iyon ng iba pa niyang mga kaklase para madagdagan ng kaunting puntos ang Final grade nila sa Filipino.

"Oo nga eh,nakakalungkot rin,nabawasan na ang maiingay tsaka magugulo sa klase... Pero mabuti na lang at magkaklase pa rin kami ni honeypie sweetie pie Melvin" inspiradong saad ni Cecille na hindi matanggal-tanggal ang titig sa likuran ni Melvin na nasa Cashier ng canteen at nagbabayad ng mga binili nito.

Sinundan naman ng tingin ng dalawa niyang kaibigan ang tinitingnan niya at sabay-sabay na napailing ang mga ito.

"Well... This is what high school is... Pinakamahirap na stage ng pagiging isang estudyante pero pinakamasaya naman... Siguro..." pahabol na tugon ni Mikaella kahit alam niyang si Krizza na lang ang nakikinig sa kanya.

My High School Fairytale II : Love Lifts (COMPLETED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon