My High School Fairytale II : Chapter 22

289 5 0
                                    

(Third Person P.O.V)

"No,you can't tell her!" ~ Krizza

"Why?!" ~ Cecille

"Because..." Lumapit si Krizza kay Cecille at may ibinulong "...that's my plan"

Nakakunot noo naman si Cecille, halatang pinag-iisipan kung aayon siya sa plano ni Krizza o hindi.

"Plan? What plan?"  Nakakunot noong tanong ni Mikaella sa mga kaibigan.

Inilapag nya sa stone table ang biniling chichirya at drinks.

"Plan about prom!" sabay bukas ni Cecille ng Piattos.

"Prom? Tsss. Iba talaga kapag may boyfriend ano? masyadong excited sa prom" ~ Mikaella

"Oo nge eh,so" sabay siko ni Krizza ng mahina sa tagiliran niya si Ella at tango sa labas ng classroom nila kung saan nag-uusap sina Jason at Teresa "Anong plano mo sa prom?"

"Plan? Wala. I don't do plans"ibinaling ning Mikaella ang atensyon kay Cecille para mawala sa line of vision niya sina Jason at Teresa.

Kinindatan naman ni Krizza si Cecille and mouthed " I told ya"

...

"Soooooo Muse! Eto na yung logbook at wala na akong gagawin diba?" ~ Jason

"Yeah." matipid na sagot ni Mikaella ng hindi man lang tinitingnan si Jason.

"Hmmn. Wala ka na rin namang gagawin diba?" tanong ni Jason sa kanya. Inaayos na nya ang mga gamit nya nun.

"Mika?"

Sabay silang napalingon ni Jason sa pinto ng classroom ng lumitaw dun si JJ.

"Meron. Mauna na 'ko" ~ Mikaella

"Ella..." ~ Jason

Hindi na pinatapos ni Mikaella sa pagsasalita si Jason at lumabas na siya ng classroom.

"May itatanong lang sana ako--" ~JJ "Ella?"

"Huh?" Tila natauhan namang tanong ni Ella ng maramdaman nya ang mahinang tapik sa balikat "Sorry. May sinasabi ka ba?"

Tinitigan naman siya ni JJ na puno ng concern ang mga mata pero nginitian lang siya nito "Gusto mo ba ng coffee float?"

Napatango naman si Mikaella " Yeah.Sure."

...

"Quite a pair,right?" nagulat si Jason ng biglang may nagsalita sa tabi nya.

"Anong kailangan mo?" naiinis na tanong ni Jason kay Teresa.

"Whoah! Easy tiger! Diba nga,andito ako para tapusin ang thesis ko? You don't want me to come near her so I'm here to bug you" 

"Layuan mo 'ko. Marami ka namang pwedeng lapitan." sabay sukbit nya ng bag sa balikat at nagsimula ng maglakad palayo.

"It's either HER or YOU."

Biglang napatigil sa paglalakad si Jason.

"Fine." tiim-bagang sabi ni Jason dito ng hindi ito nililingon.

Tumakbo naman palapit sa kanya si Teresa at kumapit sa braso nya.

Pinalis naman ni Jason ang pagkakahawak nito sa braso niya.

My High School Fairytale II : Love Lifts (COMPLETED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon