Prologue

1.4K 20 0
                                    

"Mika"...

"Sino yan?" Palingun-lingon si Mikaella sa paligid pero wala siyang makita. "Sino kaya 'yun?...Holiday ba ngayon?" Alam niyang nasa eskwelahan siya pero wala siyang makita na ibang estudyante. Napakatahimik ng buong lugar.

Naglakad-lakad pa siya para hanapin ang mga kaibigan. "Krizza??? Cecille? Peter???" Wala pa rin siyang nakikitang tao. Sinipat niya relos na nasa kaliwang kamay. "Huh? Ubos na ba ang baterya nito?" Tinapik niya ng mahina ang relo pero nang hindi pa rin gumagana ay napakibit balikat na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Mika..."

Naririnig na naman niyang may tumatawag sa pangalan niya.

"Magpakita ka ngaaaaaaa!!!" sigaw niya ng paglingon niya ay wala pa rin siyang makita.

Dumiretso siya sa loob ng gym ngunit katahimikan lang din ang sumalubong sa kanya.

Maya-maya ay may narinig siyang mahinang yabag ng mga paa.

Pinakinggan niyang mabuti iyon upang malaman kung saan nanggagaling.

Sa likuran niya. Sa wakas! May dumating na!

Natawa siya nang marahan sa reaksyon niya kanina. Baka masyado siyang maagang dumating sa eskwelahan kaya wala pang ibang tao doon.

Dahan-dahang napalingon sa likuran niya si Mikaella. Excited na siyang ipagmayabang na hindi siya late.

Napakunot noo siya ng makita kung sino ang tumatawag sa kanya o kung ito nga ba ang kanina pa tumatawag sa kanya.

Lalaki.

Pamilyar sa kanya ang height nito,ang built ng katawan,ang buhok...

Hindi niya makita ang mukha nito kasi natatakpan ng pumpon ng puting rosas.

"White roses..." mahinang bulong ni Mikaella sa sarili.

Tinitigan niya ng maigi ang lalaking nasa harapan niya...

"It can't be..." bulong niya sa sarili.

Nilapitan niya ito at habang palapit siya dito ay dahan-dahan namang ibinababa ng lalaki ang hawak hawak na rosas.

"Mika...Kamusta ka na?" Napangiti pa ito.

Biglang naramdaman ni Mikaella na lumakas ang kabog ng dibdib niya. Napahinto siya sa paglalakad at pakiramdam niya ay napako siya sa kinatatayuan niya.

Ang mga mata at ngiti nito na kahit kailan ay hindi niya nakalimutan at alam niya na kahit na anong mangyari ay hinding-hindi niya makakalimutan.

Ang first love niya...

Si JJ Reyes.

"K-Kuya JJ? Anong ginagawa mo dito?"

"May sasabihin kasi ako sa'yo..." humakbang ito palapit kay Mikaella at nang ilang hakbang na lang ang layo nito sa kanya ay niyuko siya nito.

Nasa 6 ft ata ang height nito kumpara kay Mikaella na 5'2'' ang height.

"A-ano yun?" nauutal na tanong ni Mikaella dito. Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harap niya ito ngayon.

Lumapit pa ito ng husto sa kanya at yumuko hanggang sa ka eye level niya na ang mga mata nito.

"I..."

DRIIIIIIIIINNNGGGGG!

"Huh?" Napailing pa siya, senyales na hindi niya naiintindihan ang mga sinasabi nito.

DRIIIIIIIINNNGGGGG!!!

My High School Fairytale II : Love Lifts (COMPLETED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon