My High School Fairytale II : Chapter 16

416 6 0
                                    

JJ's POV

Tsk.

Si lola talaga.

Sabi ko naman sa kanya na ayoko ng sasakyan eh.

Pinagpilitan pa.

Hindi naman ako nagrereklamo kaya lang eh hindi lang talaga ako sanay sa ganito.

Yung ako ang center of attention.

Nung high school, oo, I was the center of attention dahil sa achievements ko.

Napakibit balikat na lang ako.

Sayang din naman kung hindi ko gagamitin 'tong Subaru SRX.

This is very convenient for me anyway, hindi ko na kailangang mag commute.

Siguro naman hindi na 'to masyadong mapapansin ng mga tao.

...

"Wow! diba bagong model ng sasakyan yan?" ~ student

"Huh? Ah..oo nga noh? Nakita ko sa tv kagabi yan ah!" ~student

"Whoah! Eto pala yung bagong model ng Subaru" ~ student

"or not..." pabuntung-hininga kong sabi sa sarili ko.

Nasa loob na ako ng Grand Canon High School.

Wala masyadong pinagbago ang eskwelahan.

Feeling ko dito pa rin ako nag-aaral.

"JJ???"

Napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Ikaw nga!" tumakbo siya palapit sa akin at sinuntok ako ng mahina sa balikat.

"George!" niyakap ko siya.

Naging close kami ng nakasabay ko sila sa team building dati, sumali kasi ako sa basketball team ng eskwelahan samantalang ito naman ay kasali sa soccer team ng women's division.

"Umuwi ka pala dito? What for?" tanong niya sa akin

"Ah..ehh..." hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya "dito ko na kasi tatapusin ang kurso ko"

"hmmnn???" halatang hindi siya naniniwala sa akin "o siguro may babalikan ka noh?" dugtong niya ng nakita niya ang dala kong white roses

"hahahaha! wala ka pa ring pinalalampas talaga ano?"

*BEEEEEEEEEEEEEEEPPPP!*

sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng beep ng kotse.

Mula sa lalakeng nakasakay sa isang Jaguar F-Type Roadster.

Napasipol ako kasi sa pagkakaalam ko,kakalabas lang ng sasakyan na iyon.

"Pasensya ka na JJ ha? andito na si Mr. D eh. Sige, good luck sa'yo!" paalam niya sa akin at sumakay na siya sa kotse ng lalaki na sa pagkakatanda ko eh si Adrian Rodriguez.

First Year High School pa lang ang mga ito ay hindi na nagkakasundo ang mga ito.

Parang langis at tubig na kahit kelan eh hinding-hindi pwedeng pagsamahin.

Sabagay, isang taon nga naman akong nawala...

Nagdadalawang-isip na naman ako...

Paano kung hindi na siya ang dating Mikaella?

My High School Fairytale II : Love Lifts (COMPLETED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon