My High School Fairytale II : Chapter 21

377 8 8
                                    

"huh?" nagtatakang tanong sa akin ni JJ. 

【・_・?】

"huh???" balik tanong ko din sa kanya.

( ・◇・)?

Hinila naman ako ni Krizza palapit sa kanya at nangingiting kinausap si JJ "Aahhh...eto yung mabangong sinasabi niya o" sabay hantad ng perfume na kinuha niya mula sa bag niya.

Nakkkuuu!

Buti na lang talaga at di ako maputi.

Feeling ko pa naman eh nag-uusok na ang ulo ko dahil sa hiya.

\(///Σ///)\

Hindi ko na naman napigilan ang bibig ko.

Nakakahiya!!!

Napangiti naman siya.

Siguro alam niyang nagdadahilan lang si Krizza.

Nahuli niya na rin ako dati eh.

Baka naaalala niya pa yun.

Nakup'

"Sige Mika...Magkikita pa naman siguro tayo mamaya. May writing club ka pa diba?" ~ JJ

"Ah--"

"Oo,hihintayin ka niya sa Heroes Park pagkatapos ng major namin!" putol ni Krizza sa sasabihin ko sana.

Napatingin naman si JJ sa akin na tila kinukumpirma kung totoong hihintayin ko nga siya.

Pinisil ni Krizza ang kamay ko kaya napatango ako.

Napatango si JJ at nginitian ulit ako.

"Sige...Pero ako ang maghihintay sa'yo sa Park" tumakbo na siya pabalik sa basketball team at kumaway sa amin.

"Ano ba naman yung pinagsasasabi mo Kriz! Nakakahiya! at talagang maghihintay ako sa kanya ha?" ~ M

Pabalik na kami sa classroom ngayon.

Kukuha ng gamit namin dahil mag-aalas tres na at magsisimula na ang major classes namin.

"Anong nakakahiya dun? At saka sabi pa nga niya diba na siya ang maghihintay sayo at hindi ikaw?" tila kinikilig pa ito habang sinasabi nito iyon.

Napakibit balikat na lang ako at nang mapadako ang tingin ko sa gate ng gym ay tamang-tama naman na nakita ko si Jason na nakasandal sa gate at ng magtama ang mga mata namin ay hindi ko mabasa kung anong emosyon ang meron sa mga mata niya.

Alam kong gusto niya akong kausapin pero tumalikod na siya at lumabas na ng gym.

Ouch.

*Flashback*

Saturday. Awarding Night.

Kakatapos lang i announce ang over all champion.

Napakaingay sa loob ng gym.

My High School Fairytale II : Love Lifts (COMPLETED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon